SERMON ang inabot sa aking katigasan ng ulo Nagpunta kami sa isla - TopicsExpress



          

SERMON ang inabot sa aking katigasan ng ulo Nagpunta kami sa isla inabot ng daluyong Malakas ang hampas sa bangka ng alon Napuno ng tubig at ang bangka ay lulubog Sabi kasi ng nanay huwag kang pumaroon Sa isla Sta Catalina ay mapanganib doon Nagpilit pumunta natagpuan ay daluyong Muntik ng malunod ang taong naglilimayon Dahil sa takot kalalakihan nagsitalon Hindi ako natakot sa sulok ay nanguyangon Umusal ng dasal salamat po Panginoon Mamamatay na kami wala ng problema si nanay BIglang humupa ang daluyong sa dagat na na nagngangalit Bigla nawala ang sigwa, ang ulan ay tumigil Ang nakapagtataka hindi lumubog ang bangka Gayong kaunti na lang aapaw na ang tubig Sa dasal na kakarampot ito ay dagling napakinggan Ng Diyos na nakatunghay sa amin sa karagatan Marahil ang nasabi niya, kailangang pagsisihan Ng mga taong ito ang kanilang KASALANAN
Posted on: Fri, 30 Aug 2013 21:22:16 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015