SI KABAYAN... Pinay sugatan sa bus robbers Binambo ng matigas na - TopicsExpress



          

SI KABAYAN... Pinay sugatan sa bus robbers Binambo ng matigas na bagay ang ulo ng isang Pinay matapos makulitan ang dalawang umatakeng holdaper nang ito ay manlaban at tumangging ibigay ang gintong pulseras at bitbit na bag sa Kuwait. Nangyari ang nasabing insidente sa loob ng isang pampublikong bus. Pumutok umano ang ulo ng Filipina na nagtatrabahong company employee matapos banatan ng mga kawatan. Nabalewala ang pagpalag ng Pinay dahil matagumpay din na natangay ng mga suspek ang dala nitong bag na naglalaman ng dalawang mobile phone gayundin ang gintong alahas na pinag-initang puntiryahin ng mga holdaper. Pagkatangay sa pakay ay mabilis na tumalilis ang mga suspek. “Police are looking for two persons for assaulting a Filipino woman inside a public transport bus,” batay sa report ng local daily sa Kuwait. uso din pala ang nakawan at robbers dito sa kuwait... ingat nalng po tayo... charmz
Posted on: Mon, 05 Aug 2013 09:26:59 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015