SINGLE KA? Sa mga oras na ito, ang total human population ay - TopicsExpress



          

SINGLE KA? Sa mga oras na ito, ang total human population ay umaabot na ng 7, 152,982,416. Sa bilang na yan, wala pa sa hundreds yung mga nakaka usap at nakakasalamuha mo araw araw. Taking it further, sabihin na nating kalahati ng populasyon ay puro taken at may kalandiang iba o hindi mo type for any number of reasons. Maaaring mas matanda sayo, mas bata sayo, newly born pa lang, o ka gender mo. So ang potential partners mo ay maaaring pumatak ng approximately 237,000 na lang. Napakarami pa rin di ba? With over 7,152,982,416, no one should ever feel lonely. Unless ginusto mo talagang mabuhay mag isa, it’s almost impossible to stay single. Pero bakit kelangan mog huminto agad pagkatapos mong makatagpo ng isa, dalawa o lima at nasaktan ka ng paulit ulit? There are still 237,000people in this pakingshet world. You are bound to find someone na magugustuhan mo at magugustuhan ka rin. You just have to deal with it. Hindi yun ganun kadali pero kung gusto may paraan at kung ayaw baka napagod ka lang, i guess. Siguro parang trial and error lang ang kalakaran dito sa mundo. Pero hindi sapat yun para tumigil kang magmahal at tumigil hanapin ang para sa’yo. Sa libo libong tao dito, hindi lang ikaw ang napagod at nasaktan. May mga taong mas sugatan pa sa’yo pero hindi tumitigil sa paghahanap ng para sa kanila. At malay mo, nasa kabilang LRT station lang yung taong para sa’yo, hinihintay at hinahanap ka.
Posted on: Thu, 04 Jul 2013 05:49:46 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015