SIYA SI SARAH BALDONADO. By Princess Young Moon on Sunday, - TopicsExpress



          

SIYA SI SARAH BALDONADO. By Princess Young Moon on Sunday, January 13, 2013 at 11:02pm FROM DARKNESS TO LIGHT .... *********************** SIYA SI SARAH BALDONADO NG TARLAC-PAMPANGGA...PAPAANO SIYA NAGING MUSLIM ...tunghayan po natin ....READ AND SHARE ... Sarah Baldonado ************* Assalamu alaikum warahmatullahi wa barakatuh! Ako ay lumaki sa pamilya ng mga Katoliko at namulat na ang Diyos ay ang siyang nakikita ko sa aming altar sa loob ng bahay. Nandoon si Jesus na naka pako at ang kanyang ina na si Maria at ang ama naman ay si Joseph kung saan inilalarawan ang isang pamilya. Nang ako ay nasa grade 5 ng mababang paaralan ang aking Science teacher ay isang Pastor ng Born Again Christian Church sa huling bahagi ng aming klase palagi niyang isininsingit ang doktrina ng Kristiyanismo at ipinaliwanag niya sa klase namin na ang isa sa pinakasusuklaman ng Diyos ay ang pag samba sa mga rebulto at imahe. Isang araw binigyan niya kami ng isang pagsubok na sirain namin ang rebulto sa aming bahay at hindi kami maaano dahil ang mga iyon ay walang magagawa saamin. Ngunit ang bilin saamin ng aming Nanay kapag hinawakan naming ang mga Santo at ito ay nasira ang aming mga kamay daw ay magdidikit dikit at hindi na maghihiwalay kahit kalian dahil iyon daw ay parusa sa mga batang matitigas ang ulo at walang pag galang sa Santo, Dahil sa aking murang edad ako ay napaisip sa sinabi ng aking guro at naisip ko na sirain ang aming santo sa bahay. Ang Santo Nino na naka turo ang daliri ay unti unti kong pinipingas simula sa daliri hangggang maputol ang kanyang kamay. Hanggang sa isang araw ay hindi ko na nakita ang Santo na iyon sa aming altar (dahil kasama ang ulo sa aking pinutol) At doon na ako nag simulang sumali at naging aktibo sa pagiging Born Again. Nang ako ay mag High School hanggang sa mag kolehiyo ay dala dala ko ang pinaniniwalaan kong doktrina na itinuro ng aking guro. At doon ko naisipan na ituro din sa aking pamilya ang Kristiyanismo at madali saaking pamilya na mahikayat lahat kami ay dumalo sa Church tuwing Linggo at tuluyang iniwan ang Katolisismo (MALIBAN SA AKING TATAY). Nang ako ay magkaroon ng pagkakataon na makarating ng Dubai (UAE) ako ay naiinis sa tunog na aking naririnig (Adhan/call of prayer) dahil sa tuwing naririnig ko ay nababalisa ako at hindi mapakali na para bang naririnig ko ang (PASYON sa Pilipinas tuwing mahal na araw). Naiinis din ako sa tuwing mayroon akong makaka usap na babaeng muslim na naka takip ang mga mukha na tila bagang gusto kong hilain ang kanilang takip upang sila ay maka hinga ng maayos at mainitindihan kong mabuti ang kanilang sinasabi ako ay iretable sa kanilang pananamit at napag iisipan ko sila ng hindi maganda ( awudhu billah). Nagkaroon ako ng isang kaibigan na Muslim at ako ay palagi niyang pinaliliwanagan tungkol sa katuruan sa Islam. Ngunit hindi ako interesado dahli ang tingin ko sa mga Muslim ay mga taong mayroong sariling mundo at napag lipasan ng makabagong henerasyon ng ating lipunan. Sa tuwing ako ay bibigyan niya ng Libro o pamphlet itinatapon ko ito, o di kaya ay iniiwan kung saan. Mayroong isang pagkakataon na dahil sa kanyang kakulitan kami ay nagkaroon ng isang argumento na nauwi sa debate, gusto niyang patunayan ko na si Jesus ay ang AMA ANAK at ESPIRITO sa isang persona. At papatunayan daw niya na ang DIYOS AY NAG-IISA. Dahil sa wala saamin ang patatalo ako ay nag WALK OUT iniwan ko siyang mag isa at ako ay naglakad papaalis na galit na galit habang ako ay naglalakad papauwi sa di sinasadyang pagkakataon ako ay naiputan ng ibon sa aking ulo dahil sa aking inis ako ay sumakay ng TAXI at pag pasok ko sa loob ng taxi ako ay mayroong naupuan at pag hatak ko mula sa aking kinauupuan nakita ko ang isang bugkos ng libro mga anim o pitong maninipis na libro at bumungad saakin ang pamagat na Ang totoong Mensahe ni Cristo Hesus ako ay natawa saaking sarili dahil tila ba ako ay pinag lalaruan ng pagkakataon wala ako nagawa kundi iuwi ang mga libro. Sa aming opisina ang aking amo ay isang relihiyosong Muslim na Arabo palagi siyang namimigay ng mga librong tagalong tungkol sa Islam at halos mapuno ko na ang aking drawer sa kanyang kakapamigay. Hanggang sa siya na mismo ang lumapit saakin at tanungin ako tungkol sa aking relihiyon; TELL ME ABOUT YOUR GOD, AND ILL TELL YOU ABOUT MY GOD. Iyan ang mga katagang sinabi nya saakin at kumabog ang aking dibdib at sabi ko sa sarili ko heto na naman ang mga Muslim at tila baga hinahamon na naman ako ng argumento na posibleng mauwi sa debate. Ngunit sa oras na ito siya ay aking boss hindi ko siya pwedeng iwan at mag walk out kagaya ng ginawa ko sa aking kaibigan. Kaya buong tapang ko siyang hinarap at ipinakilala ko sa kanya ang aking Diyos na si Jesus na AMA ANAK at Diyos Espirito na ipinanganak ni Maria upang iligtas ang sanlibutan sa ating mga kasalanan upang mailigtas tayo sa apoy ng impiyerno. At nang tanungin niya ako kung saan ko mababasa iyon ako ay parang pinakukuluan sa ilalim ng aking kinauupuan. At naisagot ko lamang ay ,basta nakasulat yan sa Biblia! At siya ay ngumiti at nagsalita kinuha niya ang Quran at binasa sa wikang Arabic ... At ganito ang kahulugan ng kanyang binasa ... In the name of God, Most Gracious, Most Merciful Say: He is Allah, the One and Only! Allah, the Eternal, Absolute; He baguettes not nor is He begotten. And there is none like unto Him. Kalakip ang isang paliwanag na; Ang diyos ay hindi mo maaring bigyan ng wangis o mukha hindi siya maaaring ilarawan kagaya sa kanyang mga nilikha at madami pang paliwanag na pumukaw sa aking puso at gumising sa aking natutulog na isipan. Pag uwi ko ng bahay ay hinalungkat ko ang mga libro na aking naipon binasa kong lahat ng iyon at unti unting nag liliwanag ang aking isipan habang unti unti kong natatapos na basahin ang bawat pamphlets, hanggang lumipas ang ilang araw tinawag ko ang aking kaibigang muslim at tinanong ko siya kung paano ba maging Muslim, dinala niya ako sa pinaka malapit na Islamic Center sa Dubai at isang Pilipino ang nagpaliwanag saakin ng mga pinaniniwalaan sa Islam. At sa araw na iyon ika 12 ng Enero taong 2011 ay niyakap ko ang Islam bilang aking relihiyon at gawi ng pamumuhay. At sa kasalukuyan ay ipinapangaral ko sa aking pamilya ang katuruan ng Islam at sa awa at habag ng ALLAH subhanu wa taala ang aking Ama at mga kapatid ay yumakap na din sa Islam at idinudua ko sa ALLAH na gabayan din niya ang aking Ina at iba ko pang mga kapatid sa matuwid na daan, (ISLAM) INSHAALLAH.. tnx for reading ....pls share to everyone ... ***P.Y.M.***
Posted on: Tue, 15 Oct 2013 21:31:35 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015