SUGATAN ang isang volunteer teacher matapos pagtatagain ng isang - TopicsExpress



          

SUGATAN ang isang volunteer teacher matapos pagtatagain ng isang menor-de-edad pasado alas singko ng hapon kahapon sa Tukananes, Barangay Poblacion 7, Cotabato City. Kinilala ang biktima na si Sheila Abdullah, 38-anyos, single parent, residente ng Purok Sultan ng nasabing Barangay. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok ng suspek na kinilalang si Ryan Silongan, 17-anyos ang bahay ni Abdullah sa hindi pa malamang dahilan. Ilang sandali pa ay tumakbo na palabas ng bahay ang menor-de-edad na suspek na nakasuot lamang ng damit panloob habang naiwan naman si Abdullah sa loob ng kanyang bahay na may apat na saksak ng kutsilyo sa balikat, tiyan at pisngi. Agad hinabol ng taumbayan si Silongan na tumalon at nilangoy ang ilog hanggang sa bigla na lamang nakarinig ng putok ng baril at tinamaan ang suspek na agad namang nasawi. Sa ngayon, hindi pa mabatid kung sino ang bumaril at nakapatay sa suspek habang ang biktimang si Abdullah ay nagpapagaling pa rin sa isang pagamutan sa lungsod. #NDBC
Posted on: Mon, 12 Aug 2013 01:07:22 +0000

Trending Topics




© 2015