SURGICAL MISSION, gagawin sa Koronadal City. Makikinabang sa - TopicsExpress



          

SURGICAL MISSION, gagawin sa Koronadal City. Makikinabang sa libreng surgical mission na pangungunahan ng Koronadal City Government ang may isang daang mga mamamayan sa lungsod. Ayon pa kay City Mayor Peter Miguel, saklaw ng apat na araw na surgical mission ang pagsasagawa ng major surgical operation sa iba’t ibang uri ng karamdaman, tulad ng mayoma, hernia, goiter, cleft palate, katarata at marami pang iba. Katuwang nila sa pagsasagawa nito ayon pa sa alkalde ang grupo ng mga doctor mula sa kalakhang maynila at Estados Unidos. Inihayag pa ni Miguel na maliban sa libreng operasyon, ang mga benipisyaryo aniya ng programa ay mabibigyan din ng libreng gamot. Ito ay isasagawa naman sa South Cotabato Provincial Hospital sa August 14 hanggang 17 nitong taon. Inihayag pa ng alkalde na ang mga mamamayan sa Koronadal na nais makinabang sa naturang surgical mission ay maari lamang makipag-ugnayan sa City Health Office para sa screening. #NDBC
Posted on: Mon, 12 Aug 2013 01:16:02 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015