Sa aming mga residente ng Barangay 35 kami po ay lumalapit sa inyo - TopicsExpress



          

Sa aming mga residente ng Barangay 35 kami po ay lumalapit sa inyo upang sa aming mga adhikain at magagandang pangarap para sa ating Barangay at mga serbisyong direkta sa ating mga residente. Dito na po tayo ipinanganak at lumaki bilang isang residente na namulat sa pagseserbisyo publiko mula pa po sa aking mga magulang. Akin po itong ipinagpapasalamat sa kanila dahil pinalaki nila kami na malapit sa tao at iminulat kami na ang pagtulong sa kapwa ay hindi matutumbasan ng kahit anong bagay. Sa walong taon kong pagseserbisyo sa ating Barangay bilang 5 taon sa Punong Kabataan at 3 taon sa kagawad ay kayo po ang dahilan kung bakit po ako naririto at akin po itong ipinagpapasalamat sa inyong tiwala at suporta. Akin po itong susuklian at patuloy na pahahalagahan kahit ano po ang kahihinatnan ng laban ko pong ito ang ilalaban ko po dito ay ang pangarap ko at sa mga adhikain ko para sa tao kahit alam kong mahirap at mabigat ang laban naming ito ay aking pong pinanindigan dahil kayo po ang ilalaban ko dito. Isasakrispiyo ko ang aking pangarap bilang isang alagad ng batas dahil ako po ay nakaqouta sa PNP REGION 3 Camp OLivas Pampanga at hindi ko po ito pinagsisisihan dahil ang pagseserbisyuhan ko ay ang sarili kong lugar at mga residenteng napamahal na sa aking pamilya. BIlang ADMINISTRATIVE MANAGER ng Jofar Security Agency ay handA PO AKONG MAGBITAW AT MAGRESIGN UPANG MAPAGLINGKURAN KAYONG BUONG PUSO ng walang kahati. Marami po akong idadagdag at hindi lng po dapat tayo nakatuon kung ano lamang po ang pondo ng Barangay akin po itong dadagdagan at pagsisikapang makahanap pa ng mga bagay na maibibigay sa ating mga residente tulad ng hanapbuhay at trabaho. Mga solusyon na hindi panandalian lamang kunghindi pang matagalan. Magkakaroon po kayo ng malaking boses sa ating Barangay hindi po lamang kami ang magdedesisyon sa mga kung anong dapat ang proyrto ang ating gagawin isasangguni ko po sa ating mga residente ng sa gayon ang proyektong ating gagawin ay sosolusyon direkta sa problema ng bawat area at nasasakupan. Sa kaayusan ay ipatupad ang pagiikot kasama ng Punong Barangay lalo sa gabi. Pagpapalinis ng atinbg kapaligiran at mga kanal na katulong ang ating residente upang maturuan ang ating residente na maging responsableng mamamayan. Mga proyektong imprastraktura katulad ng pag-papagawa ng Barngay Hall annex s Sawata Area 2 ng sa gayon ay kung ano ang pagseserbisyo ng Sawata Main Hall ay gayon din ang pagseserbisyo ng Brgy. hall annex sa ating mga residente sa Sawata at upang mas madaling makatugon ang ating Barangay sa pangangailangan ng taga-Sawata. Paglalagay ng Healt Center sa isa sa mga Building sa Fishpond upang ma accomodate ang ating mga residente sa laki ng nasasakupan ng ating Barangay at sa dami ng ating populasyon kailangan na nating makapagpatayo ng isang Health Center na tutugon sa pangangailangan sa kalusugan ng ating mga residente lalo na sa mga senior citizen na kumpleto mula sa mga gamot hangganga sa mga Doktor at kung ito ay ating mailagay na ay planuhin na nating maglagay din ng lyin in clinic upang pngalagaan din ang ating mga residenteng buntis. Hihingin ko ang opinyon at suhestiyon ang bawat sektor mula sa kabataan, kababaihan at Senior citizen upang mas mapakinabangan ang proyekto akma sa bawat sektor. Pagpapagawa ng mga strainer at steel railings sa mga prikas upang maging ligtas ito sa ating mga residente. Pagpapagawa ng mga naiwang kalsada at eskinita pagpapagawa ng Chapel sa Blk. 8 Sawata. Paglalagay ng Outpost sa LRTB at gawing aktibo ang mga outpost natin sa may talilong, fishpond at Blk. 11. Paglalagay ng isang tindahan na ang iaalok na produkto ay mula sa mga nagnenegosyo sa kanikanilang mga bahay tulad ng basahan, food products atbp. para matulungan natin silang kumita at makahanap ng mga suki. Pag-bibigay ng trabaho sa pamamagitan ng mga kompanya na kliyente ni Chair. Edralin Alvin Santos bilang ADMINISTRATIVE MANAGER ng Jofar security Agency na nalapitan na nya upang tumanggap ng mga aplikante na ating mga residente. Pag-lalagay ng ASSISTING DESK sa ating Barangay upang umasiste sa mga dokumento patungkol sa mga sss, Philhealth, Meralco, Medical atpb. Pamamahagi ng mga itatanim na herbal plant tulad ng oregano, lagundi at pandan upang malaman ng ating mga residente ang bisa na taglay nito. Pagbubuo ng isang FIRE VOLUNTEER ORGANIZATION na mangangasiwa sa FIRE TRUCK na ating ipproyekto. Pag-lalagay ng mga FIRE EXTINGUISHER, NEBULIZER sa bawat Block, Road at Street upang sa panahon ng sakuna ay ating agad na magamit hindi na natin hihintayin ang mga pagkakataon na ito kailangan natin itong paghandaan. Mga WHEEL CHAIR sa bawat area.Pagiging TRANSPARENT ang ating Barangay sa pondo na karapatan ng bawat tao na makita ang taunang gugulin ng Barangay mula sa pasahod hanggang sa proyekto na makikita sa ibaba ng Barangay Hall. Ang maliit na bagay tuld ng sirang kanal ang mga ganitong problema ay dapat pagtuunan ng pansin at hindi na natin hihintayin pa na may madisgrasya at maaksidente ng dahil sa maliit na problemang ito. Pag-lalagay ng mga profile ng mga mahuhuling kriminal tulad ng holdaper at magnanakw sa ating Barangay at Barangay Outpost sa madaling pagkakakilanlan nito. Ang maayos na pagdidistribute ng mga bigas at sistemang bawat pinto dapat ang pamamahagi ng sa gayon ay pantay panatay na pamamahagi sa ating residente. Handa po akong makinig sa bawat hinaing, suhestyon, sangguni o maling makikita ng ating residente dahil wala pong perpektong pamunuan at sa papamagitan ng direktang pakikipagugnayan sa ating mga residente ay magbubunga hindi man maging perpekto ay magbunga ng maayos na pamumuno dahil nanininwala ako na ang tao ay salamin ng Barangay. Pag ako poy nanalo ay walang salitang kalaban lahat pantay pantay dapat tulungan hindi benggahan ipalaganap ang paniniwala ko na pag nanalo kayo tulungan nyo kami sa panahon ng kailangan namin at pag kami ang nanalo ay tutulungan namin kayo pag kailangan nyo. Iisang lugar lang tayo iisang Barangay tanggalin natin ang dibisyon na humahadlang sa pag-kakaisa ng ating Barangay. Paglalagay ng mga GATE at ilaw sa mga ating mga nasasakupan. Pagbibigay ng direktang numero ng Barangay Chairman sa lahat ng residente para sa mas madaling komunikasyon sa pagitan ng Punong Barangay at residente. Paglalagay ng mga CCTV camera sa mga lugar na kritikal katulad ng SAWATA upang maprotekyunan ang ating mga residente na nakatira sa Sawata. Ang laban na ito ay may talo at panalo at kung sakaling hindi po tayo ang inadya na manungkulan sa ating Barangay ay huwag po kayong magdalawang isip na lumapit sa akin at sa aking pamilya kung kami ay may maitutulong sa inyo kahit wala po ako sa Barangay dahil tagarito po tayo at dito na po tayo tatanda at dito na lalaki ang ating mga anak kaya gagawin po nating maayos, tahimik at ligtas ang lugar at Barangay natin para sa kanila. Maraming Salamat at gabayan po tayo ng ating Panginoong Hesus. CHAIRMAN EDRALIN ALVIN SANTOS KAGAWAD BABYLYN SAYSON LANDO LEYTE GLENDA PEBENITO TONY GREGORIO ALVIN AZI ZAMORA JIM PALOMO GERALD DELA CRUZ
Posted on: Thu, 24 Oct 2013 02:24:08 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015