Sa balita kanina, ilang grade 3 na estudyante ang inireklamo ang - TopicsExpress



          

Sa balita kanina, ilang grade 3 na estudyante ang inireklamo ang kanilang teacher dahil pinaarawan daw sila nito bilang parusa dahil di raw sila nakagawa ng assignment. Dahilan pa raw ng isa ay dahil wala siyang libro kaya di siya nakagawa. At ngayon, nakaabot sa DepEd ang sumbong na sinasabing mali daw ang ginawang ito ng guro ayon na rin sa kanilang sinusunod na batas Grade 3 lang ang mga estudyante, naisip nga kaya nila talaga itong mag-isa na ireklamo ang parusa ng guro sa kanila na mag-paaraw? Malamang sa hindi, inudyukan ang mga ito ng mas matanda. Ng mga magulang malamang. Dahil walang lakas ng loob pa ang ganyang edad para gawin ang ganitong bagay. Naiintindihan ko sa isang banda ang pagiging protective ng magulang bilang isa ring tulad nila. Pero bilang dati ring estudyante, para bang pinalala lang nila ang sitwasyon na kung tutuusin ay hindi ganoon kalala kumpara sa ibang parusa. Maaaring pinalabas lang talaga sila ng classroom dahil sa di sila nakagawa ng assignment pero puedeng hindi naman talaga ang paarawan ang purpose ng guro. Pero kung oo, hindi naman ito ganon kalala. Ewan ko, siguro para sa kin. naranasan ko rin ang ganyan. At malamang ang mga batang ito, naglalaro rin sa ilalim ng araw madalas at hindi nila inirereklamo yun. At inuulit ko, grade 3 pa lang sila. Malamang nasa edad 8-10. Malamang na ang magulang nila ang nag udyok na magsumbong at ireklamo ang pagpapaaraw diumano ng guro. Pero nagtataka lang ako, may oras sila na ireklamo ito pero hindi ang turuan na gumawa ng assignment ang mga anak nila. At tinuruan pa na gumawa ng dahilan na walang libro kaya di makagawa ang isa. At ngayon, nadidiin ang kawawang guro. At panigurado, na ang mga batang ito ay lalakas na ang loob lalo sa susunod na hindi sumunod sa guro dahil kapag sila pala ay pinarusahan, pagtatanggol sila ng mga magulang nila at kakampihan pa sila ng principal at DepEd. At nagtataka pa tayo kung bakit nagkakaroon ng feeling of entitlement ang ating mga mamamayan? Na lahat ay isusubo na lang sa kanila at makukuha nila dahil "karapatan" nila ito?
Posted on: Thu, 11 Jul 2013 14:34:05 +0000

Trending Topics



/div>
Las Vegas never sleeps. The city is full of lights and active
Have you ever felt like Joey and needed his Thanksgiving pants?
▓ A MUST READ FOR MALAYSIAN WHO TRULY LOVE MALAYSIA
So its been four years since my my brother Kyle passed away yall
WIN News Mildura @WINNews_Mil @_EmilyWhite_ helps #Mildura answer:
Duravit D19033 00 Washbasin Set 27 1 2 3 Tap Holes Black

Recently Viewed Topics




© 2015