Sa mga Pogi, feeling pogi, at pinakapoging likers, eto yung - TopicsExpress



          

Sa mga Pogi, feeling pogi, at pinakapoging likers, eto yung compilation ng ligaw tips from 1-10. Next time yung 11-20 Ligaw Tips #1. Malaking turn-on sa girls pag napapatawa mo sila. Gawing ice breaker ang pagbibigay ng joke (wag yung double meaning) para humaba ang usapan nyo. Kikiligin sila don pero konti lang. Siguro mga 5-8 seconds. Ligaw Tips #2 Importante sa panliligaw ang pagiging mabango dahil ang mga babae, hindi nila sinasabi sayo kung mabango ka o hindi. Kusa nalang yan lalayo bigla. Nagiging judgemental din sila pag dating sa bagay na yan. Parating tandaan na ang personal hygiene lang ang katapat nyan pero wag mo sosobrahan. Yung tamang sakto na tama pero yung sumasaktong tamang sasakto sa tama lang. Mas dagdag kilig factor sa babae pag ang lalake ay fresh sa paningin nila. Ligaw tips #3 (credits to Jm Bonete) Yung kahit alam mong masyadong malaki yung bill sa date nyo, always mag initiative na ikaw ang magbabayad. Wag kang mahihiya, ikaw kasi nanliligaw at hindi naman siya. Pero kapag ang babae na nagsabing siya ang makikipagsplit ng bill, magpakipot ka muna sa una pero pag naginsist parin siya, edi hala sige pumayag ka na sabay magthank you hug ka agad sa kanya, dun na magsisimula ang magandang love story nyo. Ligaw Tips #4. Mas naaappreciate ng mga girls ang mga lalaking marunong magsabi ng totoo. Wag na wag kang magsisinungaling kung ang intention mo ay magpaimpress lang sa babae. Magkaiba ang pagbibigay ng joke sa pagsisinungaling. Masaya kaya sa pakiramdam pag alam mong wala kang tinatago habang nanliligaw ka. Mapapaboom yon sa kilig! Ligaw Tips #5. Eto ang isa sa pinakamahirap na aksyon, ang yayain lumabas si crush. Ang pinakapractikal na solusyon jan ay dapat kilala ka nya at kilala mo din siya sa personal. Kailangan nakakausap mo din siya dahil pag wala kayong connection, feeling nya stalker ka lang kahit kilala ka pa nya. Wag mong irerekta agad na yayain mo siya para lumabas, try mo muna magopen ng mga topics para may clue ka kung saan ang perfect place nyong dalawa. Tapos saka mo na dun isingit ang napakaganda mong balak pero yung alam mong pang kaibigan na tono lang wag yung pang manliligaw. Ligaw Tips #6 Maging mapanuri sa pananamit. Kahit di ka kagwapuhan, importante ang impression mo sa crush mo. Pumili ng damit kung saan ka komportable at disente tignan. Minsan kasi may mga taong nagjajacket kahit maaraw. Wag ka gagaya don, Mag T-shirt ka lang o kaya button down short sleeve shirt kung pormal gusto mo. Tignan mo mamaya yung kasama mong nakajacket pawis na pawis na tapos ikaw fresh parin. Dagdag pogi at confidence points yon! Ligaw Tips #7. Piliin mo yung taong alam mong magtatagal kayo. Wag yung dahil lang yung panandalian. Yung parang trip trip lang. Wag yon, kasi dito sa taong ito ay ibubuhos mo lahat ng effort mo para sa kanya. Wag palaging seryoso sa usapan. Magbitaw ka ng joke or kilitiin mo siya paminsan minsan. Iparamdam mo sa kanya na special siya sayo. Tignan mo bigla ka nalang magugulat bawat lapit mo kikiligin yon. Di na 5-8 seconds, mas matagal na! Ligaw Tips #8. Be a man of your word, kahit palabiro ka sa crush mo magbigay ka ng mga salita na alam mong tutuparin mo in the future. Ang mga babae kasi nature na sakanila yung magrecall ng mga memories. Kapag sinabi mo sa kanya na aayain mo siya lumabas, ineexpect na nya agad na gagawin mo yon sa napagusapang date. Kahit sino naman siguro magagalit kapag 1 day nalang tapos sasabihin mong ay sorry biglang may reunion yung family namin Syempre kahit sabihing oo lang ni crush, madidisapppoint yun. Dapat pagaralan ng mabuti ang mga plans bago mo sabihin sa crush mo ang lahat lahat. Malay mo, yun nalang pala kelangan para umamin siya sayo. Yieee kakakilig! Ligaw Tips #9. Kung ikaw yung tipo na torpe talaga, para sayo to. Kaibiganin mo muna yung mga close friends ni crush. Tapos dun ka magpalakad, yung tipong tutulungan ka nila kay crush. Pero para magawa mo yon kelangan alam nilang mapagkakatiwalaan ka. Isang basehan kasi ng mga babae kung okay din sa kaibigan niya yung nagkakacrush sa kanya. Pero kung yung kaibigan nya ang nafall sayo, aba eh ibang usapan na yon. Dun tayo sa crush mo hindi dun sa kaibigan nya kaya wag malandi ha? Ligaw Tips #10. Ligaw takes time kasi. Hindi pwede yung minamadali mo agad ang lahat. ang mga girls kasi, gusto nila yung guy na nageeffort para sa kanya. Yung feeling nya na special siya para sayo. Dun sila madali nafafall. Kaya yung mga balak manligaw jan, siguraduhin nyo na kilalang kilala nyo na yung crush nyo baka kasi bugso lang ng damdamin yan eh tapos wala pang isang linggo iba nanaman crush mo. Landi rin eh no? Maging open minded ka sa mga sinasabi nya para alam mo yung mga dos and donts nya pagdating sa ibat ibang bagay. Alam kong kayang kaya nyo gawin yan. Pogi tayo eh! Boom! -BlueberryJams
Posted on: Sat, 26 Oct 2013 15:09:51 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015