Sa mga single, bakit kaya dumadating yung oras na wala na - TopicsExpress



          

Sa mga single, bakit kaya dumadating yung oras na wala na talaga tayong pakialam sa cellphone no? Tipong lilipas yung araw na halos hindi natin ito hawakan. Tipong hahawakan mo cellphone mo para lang maglaro ng Candy Crush, Temple Run 2, 2Fuse, Minion Rush at kung ano ano pa. Ayun eh kung Touch Screen ang Cellphone mo. Paano pa kung mga Fast Phone lang? Ano ang silbi ng Cellphone? Alarm Clock? Dumadating sa punto na nawawala na yung mga kausap sa Cellphone. Dahil siguro connected na sila Online? Na madali silang i PM Online? At nawawala na yung mga kilig moments at backread moments na nangyayari sa Cellphone noon. Tipong hindi mo na alam kung ano yung message na i dedelete dahil maganda na lahat ng message eh. Tipong lahat eh nakakakilig na at nakakainis kung buburahin mo pa. Bakit nga kaya minsan halos wala na tayong pakealam? Isa ba yung sign na wala na tayong gusto na tao? O kaya naman eh may inaasahan kang tao. Pero alam mong hindi ka naman niya maalala? Sinusubukan mo namang mag text pero wala rin namang reply galing sa kanya? Minsan hindi mo alam kung walang load o wala lang siyang interes sayo eh. Pero yung fun part? Yung kahit na wala ka ng pakealam sa Cellphone mo. Napapangiti ka kapag tumunog. Tapos mayayamot ka kasi Globe/Smart lang pala nagtext. Sinisingil ka na sa bill mo. Lumipas ang isang buwan. Na parang hindi mo man lang nagalaw ang load mo. Ayun eh kung plan holder ka. Gudmorning, ,
Posted on: Sat, 10 Aug 2013 22:32:35 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015