Sabi ng warden ng Makati City jail na hindi nila masisiguro ng - TopicsExpress



          

Sabi ng warden ng Makati City jail na hindi nila masisiguro ng 100% ang kaligtasan ni Napoles sa loob ng city jail nila. Ladies and gentlemen, palakpakan natin ang warden na hindi ma-kontrol ang sarili niyang kulungan. E ano pa ang sinisweldo mo diyan? Para maglaro lang ng candy crush? At sabi ni warden-of-the-year-awardee, na hindi nila mababantayan si Napoles lalo na kung sleeping hours na. Ganun pala sa Makati City Jail, pati gwardya tulog kapag sleeping hours. Ganito kami sa Makati. So ayun, ililipat na daw si Napoles doon sa Fort Sto. Domingo sa may Sta. Rosa. At habang hinihintay natin ang paglipat sa sa kaniya, doon muna siya sa Makati City Jail. In fairness daw,tinanggal na daw yung aircon niya sa kaniyang “dentention room” at pinalitan ng electric fan. Buti pa nga siya may electric fan, di tulad ng lahat ng ibang babaeng inmate doon na parang sardinas sa siksikan kung matulog. Eto pa, kaya daw tinanggal talaga ang aircon ay hindi dahil unfair sa iba, kundi dahil hindi malamig ang hangin na lumalabas sa aircon at sobrang ingay pa kung umandar. Taray, nag-request pa si madam. At habang nagsisiksikan ang mga inmate sa mga double-deck at banig, itong si madam ay dinalhan ng air bed na sobrang lambot. O, eto ang tanong, for 20 points. Ano ang silbi ng air bed sa kaniyang seguridad? Pero sige na, para kumanta ka lang at lahat ng mga hayop sa animal kingdom ay mapangalanan mo na, sasayaw kami sa tugtog na request mo. Baka naman mag-volunteer ulit si PNoy na siya pa magdrive sayo papunta sa Laguna. Ang sweet ha. Parang si Shalani ka sa kagandahan sa sobrang tender loving care ha.
Posted on: Tue, 03 Sep 2013 06:39:15 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015