Sangguniamg Bayan 13th Regular Session Mayor Amano T. Pascual - TopicsExpress



          

Sangguniamg Bayan 13th Regular Session Mayor Amano T. Pascual Session Hall March 31, 2014 PROPOSED ORDINANCE ENACTING THE NORZAGARAY CODE OF PARENTAL RESPONSIBILITY FOR THE PROTECTION OF CHILDREN’S RIGHTS. (Excerpts from 13th Regular Session Minutes) Kgg. Florinio C. Saplala, Jr. – nais ko lamang pong gamitin ang pagkakatong ito upang maipaabot sa bumubuo ng Sangguniang Bayan, ang ilang katanungan ng ating mga kababayan hinggil sa lumalalang suliranin sa ilang kabataan na ginagamit ng mga mangangalakal sa bayan ng Norzagaray, specifically ng mga junk shops. Ang atin pong mga kababayan ay nagtatanong kung mayroon ng Ordinansa o kung mayroon mang hakbanging ipinatutupad upang ma-penalized natin ang mga junk shop owners. Kung hindi po ako nagkakamali, noong panahon ni Kgg. Arthur A Legaspi bilang Tagapamuno ng Lupon sa Kalakal, Komersyo at Industriya ay naiimbitahan ang samahan ng mga junk shop owners at sinasabi nga po nila na hindi sila kumukuha ng mga menor-de-edad na mangangalakal, sapagkat ito nga po ay diretsahang paglabag sa ating Child Labor Law. Subalit ako po mismo ay nakakakita ng mga menor-de-edad na silang may dala ng mga bisekletang pag-aari ng mga junk shops at sila rin mismo ang pumapasok sa bakuran ng mga bahay-bahay, at kung sakaling mahuli ay idadahilan nilang sila ay naghahanap lamang ng mga bote, o paminsan naman ay idadahilan nilang hihingi lamang sana sila ng pagkain. Kaya’t noon nga pong nakaraang Karaniwang Pulong ay maghahain po sana ako ng hinggil sa Children’s Code subalit akin nga pong napag-alaman na tayo ay mayroon ng napagtibay na kung saan nga po ay nakasalin ito sa wikang Tagalog, Ang Ordinansa para sa kapakanan ng mga bata na hinalaw po natin sa Quezon City. Panukala po ito ng ating dating Kasangguni na si Kgg. Maricar Pelayo, noong panahon ng pamumuno ni Kgg. Geronimo G. Cristobal, Jr. bilang Pangalawang Punong Bayan. At sa akin pong ginawang pagre-review doon ay wala po akong nakitang specific provisión tungkol sa Children’s Quarter o ang tinatawag nating maliit na lugar o isang shelter na kung sakaling may mahuling mga bata na lumalabag sa batas ay doon po muna sila mananatili. At ilang panahon na rin pong hinihiling ng mga Kapulisan sa bumubuo ng Sangguniang Bayan na sana ay makapag-establish tayo ng nasabing shelter. Ni-review ko rin po ang hinggil sa Business Permit Ordinance na once na makita o malaman na mayroong mga menor-de-edad na nagtatrabaho sa mga establishments gaya nga po ng junk shops, ay hindi na po dapat pang i-renew ang kanilang mga business permit. Sa akin pong patuloy na pagre-review ay hindi ko po nakita sa pinagtibay na ordinansa ang pinakapangil upang maalarma man lamang ang magulang ng mga menor-de-edad na nagtatrabaho sa mga junk shops. Sapagkat, alam mismo ng mga batang ito na hindi sila mapaparusahan at makukulong kung kaya’t hindi sila natatakot na paulit-ulit gumawa ng hindi tama. Kaya’t sa pagkakaton pong ito ay hinihingi ko ang tulong ng Committee on Peace and Order and Public Safety, Committee on Trade and Industry, lalo na po ng Committee on Health and Social Welfare na tayo ay magkaroon ng isang Ordinansa na kung saan ay naaprubahan na rin naman sa iba’t-ibang bayan. Ito po ay ang tinatawag na Ordinance that punishes negligent parents of children in conflict with the law, or Code of Parental Responsibilty for the Protection of Childrens Rights na kung saan ang mismong magulang nila ang magva violate dahil na rin sa pagpayag at pagpapabaya nila sa kanilang mga anak na paulit-ulit na mahuhuli lalu na sa hindi pagsunod sa curfew, na sa panahon ni Kgg. Rolando B. Santos at ng aking ama na si Kgg. Florinio C. Saplala, Sr. ay kanilang ipinaglaban ito sa Sangguniang Panlalawigan upang maaprubahan, subalit kulang lamang po sa istriktong implementasyon. Kaya’t sa susunod pong pagdaraos ng ating Karaniwang Pulong ay maghahain po ang inyong lingkod ng isang Draft Ordinance hinggil dito at hinihingi ko po ang tulong ng aking mga nabanggit na Komite para dito. Maraming salamat po. Ibinahagi din ni Kgg. Florinio C. Saplala, Jr. ang naging kaganapan sa kaniyang dinaluhang PCL Monthly Meeting na kung saan ay natalakay dito ang hinggil sa pagdaraos ng Sportsfest ng PCL-Bulacan sa buwan ng Mayo, at ang pagdaraos ng PCL-Bulacan Covention na idaraos naman sa buwan ng Hunyo. Kgg. Florinio C. Saplala, Jr. – bilang Tagapamuno ng Lupon sa Edukasyon, nagtatakda po ako ng Committee Meeting sa darating na Martes, sa ganap na ika-9:00 ng umaga na ating gaganapin sa Mayor Amado T. Pascual Hall. Ito po ay upang matalakay ang hinggil sa Proposed Ordinance institutionalizing the Tertiary Scholarship Program to Indigent but Qualified and deserving students and extending the Scholarship Assistance to persons with disabilities and those enrolled in public or State College or Universities as well by increasing the number of automatic scholars for passers of DepEd Accreditation and Equivalency Examination, providing funds therefore and for other purposes. At sa ganap naman ng ika-10:00 ng umaga ay tatalayin ang hinggil sa Proposed Ordinance giving incentives to the deserving athletes in Elementary, Secondary and Tertiary, both Public and Private School within the Municipality of Norzagaray who gives honor and prestige to the town in the different field of sports, either an individual event or group games. Hinihiling ko sa ating Kalihiman na maanyayahan ang ating Pansamantalang Punong Gugulin-Gng Pacita Espiritu, gayundin ang ating District Superintendent-Gng. Annaliza Villanueva para sa ilang kataungan at paglilinaw. Maraming salamat po. Sa kaalaman po ng lahat: Ako po bilang tagapangulo ng Lupon ng Edukasyon na natukuyan ng nasabing panukala at May akda ng ibang mga panukalang ordinansa na nabanggit ay humihingi ng suporta sa lahat ng aking kababayan upang magkaroon ng kaganapan at katagumpayan ang mga hakbang ng bumubuo ng Sangguniang Bayan. Maraming Salamat Po! Kon. Florinio Junjun Cruz Saplala Jr. DDMG. MDMG
Posted on: Mon, 07 Apr 2014 01:18:42 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015