September 04, 2011 ❤❤ Noon, naaalala ko sabay sabay nating - TopicsExpress



          

September 04, 2011 ❤❤ Noon, naaalala ko sabay sabay nating hinintay yung araw na ia-air yung Growing Up. Nag-count down pa ata tayo nun, ang sarap mag-reminisce tungkol dun. Yung wala pa halos magkaka-kilala kasi hindi pa naman ganon ka-grabe / ka-dami nung mga fanclubs or groups noon. Pero nung nagsimula na yung GU diyan na rin nagsilabasan lahat ng fan groups/ clubs / pages. At doon na rin tayo nagsimulang dumami ng dumami. Na kahit sa ibang bansa na may pilipino, merong iba’t ibang chaptera ang mga fan groups. Yun ay yung KathNiel KaDreamers, at marami pang sumunod na iba’t iba. Mapa- KathNiel man yan o individual for DJ. At dumating yung point na nakilala rin natin ang Parking 5. Yung limang lalaking nakakawindang sa sobrang gwapo at talented. They win our hearts by just performing some of The Beatles’ songs. Nabuo ang iba’t ibang fan clubs individually sa limang yun. At dahil dun, mas dumami pa tayo. In that one afternoon show, our lives changed. We are not just humans, students, etc but we are called Fangirls. Sa dalawang year na nakalipas, andami nating pinagdaanan. Andami nating hinarap na mga haters as loveteam and of course individually. Pero tignan niyo naman tayo, we are still alive and kicking!! Plus, going strong pa rin! Sa 2 years na yun, yun yung pinaka-masayang years ko. Ewan ko kung bakit pero it makes my life complete. Andaming tumangkilik sa loveteam nila and sa atin din. Andaming pumuri sa ating mga artista dahil sa sobrang support natin sa kanila. Mapa- guesting man yan o shows sa iba’t ibang lugar. Dahil nga nationwide ang Fangroup, at worldwide rin at the same time. Naging isang grupo tayo, na sabay sabay kinilig sa mga scenes nila. Nalungkot at na-touch sa tinurong lesson sa First Ever PrimetimeBida Show nila together. At mas lalo pang naging proud sa kanila dahil sa mga achievements nila. Sabay sabay din nating pinanuod, maluha, maloka sa mga movies nila. At shempre sama sama din tayong sinuportahan ang First Ever Major Concert ng ating Bossing sa Araneta. Mapa-live man yan o coverage, hindi na yun importante. Ang importante dun ay yung kahit nasa bahay ka lang sinusuportahan mo pa rin siya. Ito talaga … sabay sabay rin nating inabangan at hanggang ngayon naga-abang kung ano na nga ba talaga ang real score tungkol sa kanila. Kung ano nga ba sila? MU palang nga ba? o iba na? We’re imagining things, we’re assuming things. What’s wrong? Nothing, kasi first of all sila ang nagpapakita sa atin dun! Exaggerate na kung exaggerate! I am just very happy, that i am one of the thousands of fans of KathNiel nationwide and worldwide. I’m so happy to see them both grow up together as a great actor and actress. I’m just so proud of them being the Teen King and Queen. Sino ba namang makakapagsabi na isang lalaking walang hilig umarte eh isa na ngayon sa mga Next Leading Man? Na isang babae na galing sa kid show eh ngayon ay ang Teen Queen na? Sino ba namang makaka-alam na ang halos magkaibang tao eh ngayon super close na? Well now, i believe in opposite do attract. Sa ating journey bilang fangirls, let’s stay the same. Let’s stay together and do our thing! Kasi sa times ngayon if there will be problems tayo rin lang naman ang magdadamayan eh. Diba nga? Brothers and Sisters tayo? Walang iwanan guys! It’s been 2 years since we became as one. Happy 2nd Anniversary KathNiels! 2 years down, forever to go ❤
Posted on: Wed, 04 Sep 2013 10:27:44 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015