September 11, 2013 Ang inyong Kapalaran : VIRGO (Agosto 23 - - TopicsExpress



          

September 11, 2013 Ang inyong Kapalaran : VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Una­wain at pag-isipan ng mabuti bago lu­magda ng anumang kasulatan. Huwag ka­agad-agad magtiwala sa mga taong makakaharap ngayon. Isang kaibigan na may lihim na galit sa iyo ang matutuklasan mo ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 5, 6, 37 at emerald green. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Maka­katanggap ng mahalagang balita o im­pormasyon na makapagpapabago sa istilo ng hanap buhay. Magiging kasiya-siya ang pamimili o pagsya-shopping. Makakabuting­ sundin ang budget. Magkaroon ng pagba­bago ang mga plano sa paglalakbay o gawain. Lucky numbers at color for the day ay 12, 21, 24, 40 at pearl pink. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Maligayang romansa ang magaganap. Iwasan ang matali sa anumang pangako na hindi kayang tuparin. May hindi inaasahang dahilan ang makapagpapabago ng desisyon. Ang relasyong pampamilya ay mapagtitibay kung nanaisin. Ipagpaliban ang balak sa paglakbay dahil hindi magtatagumpay ang sadya. Lucky numbers at color for the day ay 5, 19, 37, 41 at peach. SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Dis­yembre 21) – Ang matagal nang hina­ha­ngad ay maisasakatuparan. May magan­dang suwerte sa pag-ibig. May maligayang ro­mansa ang magaganap, ito ay maaaring hahantong sa pag-ibig. Inaayunan ng panahon ang ma­kipag-date o pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 9, 24, 29, 32 at avocado green. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Huwag padala sa matinding bugso ng damdamin at mapapahamak ka lamang. May magandang balita mula sa ibang bansa na ma­lamang ay matanggap. Isang tao na may nunal sa kanang pisngi ang makikilala. Iwasan ang pa­anyaya ng mga barkada. Lucky numbers at color for the day ay 9, 15, 29, 39 at white. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Isang kaibigan ang maaaring makadalaw. Magiging maganda ang panahon kung iiwasan ang makipagtalo. Ang bagong kakilala ay makatulong sa negosyo o suliranin. Hindi da­pat talikdan ang mga bagay na nasimulan. Ma­ging maagap. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 24, 39 at agate green. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Ang paglilingkod ng tapat ay kailangan sa pinapasukan. Patungo sa tagumpay ang nilalandas mo ngayon. Mapabuti ang kalaga­ yang pinansyal. Iwasan ang magkaroon ng pagtatalo. Iwasan ang gulo. Iwasan ang maglasing. Lucky numbers at color for the day ay 11, 13, 29, 40 at brunt orange. ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Iwasan ang makipagtalo sa mga kasamahan sa trabaho o sa kasambahay. Isang maliga­yang romansa ang magaganap. Ayusin ang mga schedule nang hindi magkabuhol-buhol ang ga­wain. Lucky numbers at color for the day ay 1, 7, 33, 34 at crimson red. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Ngayon mo ibuhos ang lahat ng kakayahan sa gawain. Kailangan ang mag-ingat sa pera, alahas o cellphone habang nasa sasakyan. Iwasan ang tsismis kung ayaw mabaon sa utang. Huwag magpadalus-dalos sa desisyon. May mahalagang bagay na matatapos. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 25, 33 at nile green. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Magplano ng mabuti sa gagawin. Iwasan ang maging emosyonal. Ang malimit na pagkahilo ay may kaugnayan sa paglilihi, highblood o sakit. Panindigan ang mga sinabi at ginawa. Huwag mangako at tiyak hindi matutupad. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 16, 33 at coral red. CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Iwasan ang magalit o mag-init ang ulo. Mag-ingat sa mga taong mapagbiro at mapaghamon­ sa iyong pagtitimpi. Magtatagumpay sa anumang mahirap na gawain. Ang personal na gawain ay may hatid na pakinabang. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 15, 28 at electric blue. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Ang anu­ mang transaksyon ay magiging tagumpay kung gagawin sa umaga. Ingatan ang ma­kasakit ng damdamin ng kapwa. Matutuk­lasan mo ang isang lihim na tagahanga. Iwasang magalit. Lucky numbers at color for the day ay 3, 13, 25, 30 at sky blue. philsatngayon
Posted on: Wed, 11 Sep 2013 04:14:42 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015