Sharapova sibak agad sa Ohio MASON, Ohio (AP) --- Kinakalawang pa - TopicsExpress



          

Sharapova sibak agad sa Ohio MASON, Ohio (AP) --- Kinakalawang pa si Maria Sharapova sa pagbabalik sa WTA tournament play matapos ang isang buwang pahinga nang masibak kaagad ng upset kay 17th-ranked American Sloane Stephens, 2-6, 7-6 (5), 6-3, sa second round ng Western & Southern Open kahapon. Sa match ng dalawang oras at 22 minuto, nilagpasan ni Stephens ang double faults sa dalawang match points sa una niyang panalo kay Sharapova sa apat na pagkikita. “No one beats me four times in a row, so I had to win tonight,” ani Stephens. Hindi kinakitaan si Sharapova, ang 2011 W&S champion at 2010 finalist, ng bakas ng kanyang hip injury na nag-sideline sa kanya matapos ang second-round loss sa Wimbledon. Sa ibang laro, nakatakas sa upset si second-ranked Victoria Azarenka kontra qualifier Vania King, 6-1, 7-6 (6), upang umabante sa third round. Nanalo naman si John Isner kay Florian Mayer, 6-3, 6-4, at sinipa ni Grigor Dimitrov si Brian Baker, 6-3, 6-2. Nilagpasan ni third-seeded David Ferrer si 102nd-ranked American Ryan Harrison, 7-6 (5), 3-6, 6-4. Umabante si Varvara Lepchenko ng US sa 6-2, 2-6, 6-2 win laban kay Flavia Pennetta, at nangailangan si Jamie Hampton ng tatlong sets sa paghakbang kay Anastasia Pavlyuchenkova, 7-5, 4-6, 6-3. Pinatalsik naman ni Alize Cornet si Ana Ivanovic, 2-6, 7-6 (8), 6-4.
Posted on: Thu, 15 Aug 2013 01:58:23 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015