* Share ko lang tong nabasa ko. Wag ka sanang tamarin mag basa. - TopicsExpress



          

* Share ko lang tong nabasa ko. Wag ka sanang tamarin mag basa. Napaka ganda nito. Ready mo na panyo. :) Best Friends - TOUCHiNG STORY ---- Siya si Sheila isang masayahing babae. Babaeng mahilig sa horror movies. Isang araw naiwan siyang mag isa sa bahay nila. May business meeting kasi ang magulang niya. Shiela: heto na naman tayo! Boring na boring na naman. Buti nalang may nahiram ako kay bessy na horror movies makakapanood ako. Walang pasok bukas. Naisip niya sobrang boring lalo kapag wala siyang kasama manood. Naisipan niyang tawagan ang kanyang bestfriend. Si Tammy. Shiela: nako Tammy sumagot ka sumagot ka. Wala akong kasama dito. Tammy: hello.. Shiela: hoy, bruha ka tagal tagal mong sagutin ang telepono. Tammy: pasensya na bessy may ginagawa kasi ako. Shiela: hmmmpp... Lagi ka nalang may ginagawa diyan. Pwede ka bang pumunta dito mamaya? Samahan mo ako nood tayo ng horror movies. Tammy: bakit wala na naman ba parents mo diyan? Shiela: alam mo na lagi silang busy. Ano pupunta ka ba maghahanda ako ng kakainin natin at mga snacks. Tammy: sige punta ako diyan mamayang 6pm. Shiela: sige promise yan ah! Magluluto na ako ngayon, ilang oras nalang at mamimili ako ng snacks diyan sa 711. Tammy: sige mag-iingat ka paglabas mo. Shiela: ok ikaw din ingat mamaya. Si Tammy ang matalik na kaibigan ni Shiela. Mas matapang at pasaway kay Shiela. Boyish kumilos. Kabaligtaran ni Shiela girly na girly kumilos. Matapos ang kanilang usapan. Dali-daling pumunta si Shiela sa 711. Namili siya ng mga chicharia, tsokolate at anim na latang beer. Shiela: mahilig dito si bessy tamang tama wala sila mommy. Pwede kami mag-inom. Pagkatapos mamili at makapagbayad ay umuwi na si Shiela. Shiela: hmmm... Ano kaya lulutuin ko for dinner? Text ko nga si Tammy. To: Bez Tammy Bez ano ba gusto mo ulam para mamaya? From: Bez Shiela Nagreply agad si Tammy sa kanya: To: Bez Shiela Bez adobong baboy nalang, damihan mo yung sili ah, huwag masyadong masabaw. From: Bez Tammy Shiela: aba demanding ang bestfriend ko ah! Makapagluto na nga. Adobong baboy ang paboritong ulam ng matalik na magkaibigan. At gustong gusto ni Tammy ang luto ni Shiela. Pagkatapos magluto ni Shiela ay nagring ang kanilang telepeno. Dali-dali niya itong sinagot. Shiela: hello?? Walang sumasagot sa kabilang linya. Shiela: siraulo to ah!! Sabay baba sa telepono. Shiela: lakas ng trip non ah!! Mag aala-sais na. Naghihintay na si Shiela kay Tammy. Nang biglang may nag doorbell. Tiningnan ni Shiela kung sino yon. Si Tammy. Binuksan agad ni Shiela ang pintuan. Shiela: hay salamat dumating ka na. Tammy: on time naman ako no! Hmmm naamoy ko yung adobo ah. Hahaha Shiela: pumasok ka na nga. Maghahanda na ako kakain na tayo. Upo ka muna diyan. Tammy: nagdala ako ng cake remember bukas 3yrs. na tayong magbestfriend. Akalain mo yon natiis ko ugali mo hahahaha!!! Shiela: sira ka talaga!! Bumili rin ako ng beer magcelebrate na tayo!! Tapos may icecream pa diyan. Tiba tiba.. Tammy: mukhang masaya ang anniversary natin ah daming chibog. Shiela: oh siya tara maghanda na tayo nagugutom na rin ako. Naghanda ang dalawa para kumain. Habang kumakain sila walang sawa ang kuwentuhan at tawanan ng dalawa. Napunta ang topic nila sa isang serial killer. Tammy: nanood ka ba ng news kanina? Shiela: hindi! Bakit? Busy ako kakapamili kanina at kakaluto. Tammy: may serial killer daw dito sa lugar natin! Pero malayo naman sa kinaroroonan natin. Ang dami na raw pinatay non. Tapos di pa siya nahuhuli. Shiela: ayos ah, parang horror movie lang ah! Tammy: ano gagawin mo pag tayo biniktima niya? Shiela: gaga to! Huwag ka nga magsalita niyan. Di mangyayari yan. Tammy: kung mangyari man yon ako harapin niya! Di hamak naman mas malakas ako kesa sayo hahahaha!! Shiela: baliw ka talaga tama na nga yan. Tapusin na natin to. Maya maya manonood na tayo. Tinapos ng magkaibigan ang kanilang hapunan. Pagkatapos magligpit ng mga kinain nila. Niready na ni Shiela ang kanilang mga papanoorin sa sala. Tammy: ano to movie marathon? Shiela: walang pasok bukas. Kaya pwede magpuyat. Tammy: bahala ka baka makatulog ako niyan ang dami niyan. Lahat ng pinahiram ko sayo panonoorin natin? Shiela: hindi mo pa naman napapanood to diba? Binili mo to kasama ako. Sakto hiniram ko agad. Nakalimutan ko panoorin kaya eto sabay tayo manonood. Tammy: wala ka talaga paawat. Ano ba uunahin natin? Shiela: eto yung Coming Soon mukhang ok to. Tammy: balita ko nga maganda nga raw yan. Nakakagulat daw. Isinalang na ng magkaibigan ang dvd. Nanonood sila habang umiinom ng alak at kumakain ng chicharia. Tammy: ayos to ah. Pano kaya kung makita mo si Shomba nasa tabi mo? Shiela: baliw, di mangyayari yon! Pelikula lang yan. Tammy: eh paano kung... Andiyan sa likod mo. (biglang gulat kay Shiela habang sumusubo ng chips) Shiela: ay p*** ano ka ba naman Tammy!! Manood ka nga lang. Papatayin mo ako sa gulat. Langhiya ka. (sabay palo sa balikat ni Tammy) Tammy: bwahahahaha!!!! Ang reyna ng horror movies nagulat ng walang ka kwenta kwenta. Hahahaha!!! Shiela: magtigil ka nga diyan!! Di parin mapigilan ni Tammy ang tawa niya. Patuloy pa rin sila nanonood. Hanggang natapos na nila ang isang movie. Shiela: ano na next? Tammy: hmmmm.. Eto eto mukhang ok to. Ghost Game. Shiela: bet ko rin yan. Game salang mo na. Sinalang na ni Tammy ang sumunod na movie. Shiela: interesting ang story na to. Tammy: sali tayo pag may ganyan game ka? Shiela: oo ba basta ikaw kasama ko. Biglang sumigaw si Shiela. Na kinagulat ni Tammy. Shiela: waaaaahhhhh!!!! Tammy: haahh?? Ano yon ano yon. Ano nakita mo?? Bakit ka sumisigaw? Shiela: practice lang!! Hahahaha incase na dumating yung sinasabi mong serial killer para marinig ako ng kapitbahay. Tammy: tarantado ka Shiela!!! Gumaganti ka ah! Hahahaha akala ko pa naman nakakita ka ng multo!! Shiela: hahahaha gantihan lang yan. Manood na nga tayo. Tapos na ang pangalawang movie. Nagiisip ang dalawa ano isusunod nilang panoorin. Shiela&Tammy: 13th Ghost... Tammy: aba nababasa mo nasa isip ko ah!! Shiela: magbestfriend eh parehas ng trip hehehe.. Isinalang na nila ang pang 3rd movie nila. Panay parin ang inom nila. Tammy: ayos ka rin Shiela noh? Akalain mo may natira pa pala si tito na isang case ng redhorse. Nagpaalam ka ba na kukuha tayo? Shiela: oo pumayag naman kasi tayong dalawa lang naman. Huwag lang daw ubusin hahaha!! Tammy: ano akala ni tito satin? Garapal sa alak? Ahahaha!! Shiela: gusto mo icecream? Para walang tama ang alak satin. Tammy: sige ikuha mo ako saka yung cake. Kumuha ng dalawang baso si Shiela para paglagyan ng icecream. Parehas nilang paborito. Rocky road. At dalawang platito para sa cake. Natuwa si Shiela dahil ang binili ni Tammy na cake ay ang kanyang paboritong flavor ang choco mousse. Shiela: love na love talaga ako ni bessy.. Inilapag na ni Shiela ang cake at icecream nilang dalawa. Tammy: salamat.. Sarap.. Shiela: salamat din choco mousse pa talaga binili mo ah! Tammy: yan paborito mo diba? Ahaha.. Oh cheers!! Happy 3yrs. Anniversary ng friendship natin!! Shiela: happy 3yrs.!! More more years to come pa. Love you bez. (sabay hug kay Tammy) Tammy: drama mo! Love you too.. Pasado alas dose na ng madaling araw. Di pa rin sila inaantok. Biglang sumakit ang tiyan ni Tammy. Tammy: anak ng!! Nag alboroto ata ang tiyan ko sa mga kinain ko.. Bez call of nature iwan muna kita diyan. Di na keri!! Shiela: hahahaha ang takaw mo kasi. Sige ggawan kita ng kape at magluto ako ng noodles. Tammy: beef ah! Shiela: tingnan mo to nagawa pa magdemand masakit na tiyan. Ilabas mo na yan baho ng utot mo!! Tammy: grabe ka nakikiamoy ka lang. Tumatakbo si Tammy papuntang banyo. Tawa ng tawa si Shiela dahil rinig na rinig niya ang pagmumura ni Tammy sa loob ng banyo. Shiela: ok ka lang ba dyan? Hahahaha!! Tammy: sige tumawa ka hintayin mo paglabas ko. Biglang nag ring ang telepono. Sinagot agad ito ni Shiela. Shiela: hello? Hello?? Ano ba di ka ba sasagot? Kung mantritrip ka sa iba mo na ilaan. Baliw!! Sabay baba ni Shiela sa telepono. Tammy: sino yon? hanggang dito rinig boses mo!! ( habang nasa loob ng banyo ) Shiela: may nanloloko kasi kanina pa tawag ng tawag di naman sinasagot. Tammy: pag tumawag uli ako na ang sasagot. Lumabas na si Tammy sa banyo. Mahahalata sa mukha niya na pagod na pagod at pawis na pawis. Shiela: oh bimpo! Magpunas ka! Over over ka sa pawis. Kumain na tayo ng noodles. Tammy: thanks!! Nakaraos din. Tara kain kailangan ng tiyan ko yan para mainitan. May tumawag na naman. Si Tammy na ang sumagot. Tammy: hello!! Hello!! Sh*t di ka ba sasagot ha? May caller ID kami pwede ka namin isumbong sa pulis!! May biglang sumagot!! Killer: bago pa kayo makapagsumbong, papatayin ko muna kayo!!! Hahahaha!! Malapit na ako. Alam ko kung saan ang bahay niyo. Tammy: tarantado ka pala eh.. Baliw!! Lokohin mo lelang mong panot!! ( sabay baba sa telepono ) Shiela: ano sabi? Tammy: wala manloloko lang naghahanap ng malalandi. Hindi na sinabi ni Tammy ang totoo dahil alam niyang mag hihysterical ang kanyang kaibigan. Pinagpatuloy nila ang pagkain nila ng noodles. Maya maya lang ay... Tammy: ano tulog na tayo? Antok na ako. Shiela: sige inaantok na rin ako. Naghanda na ang magkaibigan para matulog. Di pa rin maalis sa isip ni Tammy ang sinabi ng lalaki sa kabilang linya. papatayin ko kayo Tammy: gago! ( sa isip isip ni Tammy ) Nakahiga na ang dalawa. Si Shiela nakatulog na. Si Tammy hindi pa rin. Maya maya nakarinig ng yabag si Tammy ginising niya agad si Shiela. Tammy: hoy Shiela gising. Wala ka ba naririnig?? Shiela: ano ba yon inaantok ako. Tammy: makinig ka. Bumangon agad si Tammy para ilock ang pintuan nila sa kwarto. Narinig ni Shiela ang mga malalakas na yabag. At mga pagpalo sa pader. Shiela: bez! Sino yon? Di kaya yung killer yan? Yung tumatawag satin? Tammy: bez sorry di ko nasabi sayo akala ko kasi siraulong manloloko lang yung tumawag. Sabi niya kasi papatayin niya tayo. Akala ko naman kasi gusto lang tayo takutin. Shiela: naiintindihan kita wala na tayo panahon kung magtatalo pa tayo. Ano na gagawin natin? Tammy: diba may secret room ka dito sa room mo? Shiela: oo bakit? Tammy: magtago ka ron. Ililigaw ko tong killer na to. Shiela: huwag!! Pano kung mapatay ka niya? Ayoko di ako papayag!! Tammy: bez!! Kung walang haharap sa kanya dalawa tayong mamatay!! Kung magtatago lang tayo di niya tayo tatantanan!! Mahahanap at mahahanap niya tayo.!! Shiela: pero ayoko mapahamak ka.!! Tammy: sumunod ka nalang!! Sa ating dalawa alam mo na ako ang may chance na mailigaw at makalaban sa kanya.!! Kaya magtago ka na.!! Killer: alam kong nandiyan kayo.. Magtago tago na kayo.. Pag nakita ko kayo hahati hatiin ko ang mga katawan ninyo!! Hahahaha ( tawa ng nababaliw ) Tammy: bilisan mo! Magtago ka na dali!! Shiela: pero!! Nakita nilang may pilit nagbubukas sa door knob ng pintuan nila. Killer: alam kong nandito kayo... Buksan niyo ang pintuan para di na kayo mahirapan pa.. Sabi na sabik na ako sa sariwa ninyong dugo!! Hahaha!! Sisigaw na sana si Shiela ng biglang tinakpan ni Tammy ang bibig nito. Tammy: wala ng pero pero!! Bilis pumasok ka na sa secret room mo. Ang secret room na sinasabi ni Tammy ay ang study room ni Shiela. Hindi mo mapapansin iyon dahil nakatago iyon sa malaking kabinet. May lagusan sa loob ng kabinet ni Shiela kung saan nandon ang kanyang study room. Kahit sino walang mag aakala na may isang kwartong nakatago sa loob ng kabinet. Pumasok na si Shiela sa kabinet. Shiela: mag iingat ka ipangako mo sakin babalik ka. Tammy: babalikan kita pangako. Itetext kita o tatawagan kita kapag nailayo ko na siya. Tumawag ka na rin ng pulis para siguradong ligtas ka. Killer: buksan niyo tong pinto!! Nauubos na ang pasensya ko. Kapag nakita ko kayo gigiltin ko ang mga leeg ninyo!! Malapit ng masira ang pintuan dahil may dalang malaking palakol ang serial killer. Tammy: pasok dali!!! Pumasok na nga si Shiela sa secret room. Inayos ni Tammy ang mga damit na nakahilera para di ito mapansin. Sinarado niya ang pinto ng kabinet. Naghagilap si Tammy ng pwede niyang maging armas.. Tammy: ayon teargas! Sakto may baseball bat pa dito. Yung binigay kong bat kay Shiela. Pumuwesto na si Tammy sa likurang bahagi ng pintuan. Halos mabutas na ang pintuan ng kwarto ni Shiela. Nakita ni Tammy ang killer may suot itong mask. Mask na parang yari sa tunay na mukha ng tao. Naamoy ni Tammy ang malansa at nakakadiring amoy na galing sa killer. Tinatagan ni Tammy ang loob niya. Nagdasal siya. Tammy: kailangan ko mailigtas ang bestfriend ko. Hindi maaring mamatay kaming dalawa dito. Kung may mamatay man ako nalang. Blaaaagggggg..... Bumagsak ang pintuan. Pumasok ang killer. Umaksyon agad si Tammy... Inisprayan niya ng teargas ang mata ng killer. Killer: ahhhh!! Ang mata ko!! Walanghiya ka ikaw ang una kong papatayin!! Dali daling tumakbo pababa si Tammy. Eto na ang pagkakataon niya para mailayo ang killer kay Shiela. Tammy: hoy!! Pangit nandito ako! Gusto mo akong patayin diba? Bumaba ka dito!! Patayin mo ako kung kaya mo!! Killer: malditang babae!! Magtago tago ka na at simulan mo ng tumakbo kung gusto mo pang mabuhay!! Biglang tumalon ang killer sa hagdan. Na kinagulat ni Tammy, hindi basta bastang ordinaryong serial killer ito. Tammy: baliw na talaga to!! Bahala na!! Tumakbo si Tammy papunta sa pintuan sa labas.. Binubuksan niya ang lock ng pinto hanggang sa dumating ang killer. Hinampas ng killer ang kanyang palakol kay Tammy. Nakailag si Tammy. Tumama ang palakol sa pintuan. Tammy: sh*t pano ako makakalabas nito. Ah sa likuran..!! Biglang tumakbo si Tammy sa may likuran bukas ang pintuan. Dali daling lumabas si Tammy. Ang di niya alam may trap na naghihintay sa kanya. Pagtakbo ni Tammy sa labas biglang may bumaon na matulis na bagay sa kanyang kanang paa. Tammy: sh*t tang*** ang sakit!!! Sh*t sh*t Papalapit na sa kanya ang killer. Killer: hindi ka na makakatakbo. Huwag mo ng aksayahin ang lakas mo. Hayaan mo ng paghiwa hiwalayin ko ang katawan mo! Uunahin ko dukutin ang mga mata at aking kakainin. Hahahaha!! Tammy: baliw na talaga to..!! Si Shiela!! ( sa isip niya ) kailangan ko siyang iligtas. Tumakbo si Tammy kahit paika ika. Tumalon talon siya gamit ang kanyang kaliwang paa. Kailangan niyang iligtas ang kaibigan niya. Hindi siya pwedeng mamatay ng hindi niya naililigtas si Shiela. Killer: matapang ka babae!! Sige takbo!! Maabutan din kita.. Takbo ng takbo si Tammy.. Hawak hawak parin niya ang teargas at ang bat. Namalayan niyang walang sumusunod sa kaniya. Akala niya naligaw niya ang killer. Hindi niya alam itoy malapit lang sa kanya. Killer: ako ba ang hinahanap mo?!! Di mo ko matatakasan!! Pag harap niya... Nandon ang killer. Nakataas ang palakol at tatama na sa kanya. Buti nalang at maliksi si Tammy at nakaiwas agad. Winisik niya uli ang teargas sa mukha ng killer. Sabay binigyan ng isang malakas na palo ng baseball bat sa ulo. Si Tammy ay malakas ang pangangatawan.. Maliksi. Matibay ang mga buto. Kaya naman walang pwedeng umaway away sa kanya. Isang hamba ng bat.. Dumugo ang mukha ng killer kahit itoy nababalutan ng maskara. Pangalawa. Pangatlo hanggang sa tumumba ang killer sa daan. Nawalan ng ulirat. Tumakbo si Tammy...Para maghanap ng tulong. Pero biglang pumasok sa isip niya sino ba ang killer na iyon? At kailangan niya na itong tuluyan bago pa man ito muling magkamalay. Muli siyang lumapit para tanggalin ang maskara nito. Saktong may nakita siyang malaking tubo sa tabi ng basurahan at kinuha niya ito. Nang makalapit na siya sa killer. Itinapat niya ang tubo sa dibdib ng killer.. Dahan dahan niyang nilapit ang kanyang kamay para matanggal niya ang maskara nito. Nang biglang hinawakan ng killer ang kanyang kaliwang kamay.. Idiniin ni Tammy ang tubo para bumaon sa dibdib ng killer.. Nang bumaon na ang malaking tubo sa dibdib ng mamatay tao... Nagulat si Tammy.!! Buhay pa ang killer. Itinaas nito ang kanyang dalang palakol at tumama sa likuran ni Tammy. Tammy: ahhhhgggg... sorry Shiela!! Ahhh... Bumagsak si Tammy.. Duguan. Wala ng buhay. Pinilit ng killer na tumayo. Tumingin sa katawan ni Tammy na wala ng buhay. Itinaas uli niya ang kanyang palakol para hati hatiin ang katawan ni Tammy. Pero hindi na niya kaya. Bumagsak na rin ito sa kadahilanang tumama ang tubo na ibinaon ni Tammy direkta sa kanyang puso. Parehas silang namatay si Tammy at ang killer.. Sa kabilang dako: Iyak ng iyak si Shiela nag aalala siya sa kanyang bestfriend. Hindi rin sumasagot sa tawag ang mga taong tinawagan niya. Makalipas ang ilang oras. May tumawag sa kanya. Si Tammy... Shiela: Tammy ikaw ba yan? Magsalita ka anong nangyari sayo ok ka lang ba? Tammy: bez ok lang ako. Patay na yung killer. Pupuntahan kita dyan sa secret room mo. Huwag kang lalabas para makasigurado tayo. Shiela: sige sige hihintayin kita. ( habang umiiyak ) Hinintay ni Sheila ang kaibigan niyang si Tammy. Hanggang sa may kumatok sa kanyang pinto. Tammy: Shiela si Tammy to. Sumilip si Shiela sa pintuan.... Si Tammy nga at duguan ito. Binuksan niya agad ang pinto. Shiela: omg!! Tammy are you ok? ( humahagulgol ) Tammy: ok lang ako.. Huwag mo ko intidihin. Tumawag ka ba ng pulis? Shiela: hindi.. Lahat ng tinawagan ko walang sumasagot. Tammy: bakit hindi ka tumawag? Paano kung may masamang nangyari sayo? Shiela: sorry nagpanic na kasi ako.. Inaalala lang kita. Tammy: salamt bez. Shiela masaya ako at ligtas ka. Makita lang kitang ligtas ok na ako. Happy Anniversary. Nagyakapan ang magkaibigan at umiiyak. Nang biglang nagring ang cellphone ni Sheila. Shiela: sasagutin ko lang to, diyan ka lang.. Kukuha na rin ako ng gamot. Pumunta sa banyo si Shiela para kumuha ng mga gamot. At sinagot niya ang tawag. Shiela: hello.. Tita Jen? (mommy ni Tammy) Tita Jen: hello Shiela!! Ok ka lang ba diyan? (umiiyak) Sheila: ok lang po ako Tita bakit kayo umiiyak? Tita Jen: thank God at ligtas ka! Shiela: bakit tita? Siya nga pala... Tita Jen: andito kami sa kabilang bloke. Medyo malayo sa bahay niyo. Nakita namin yung patay na katawan ng killer dito. Ang killer pala na ito ay nakawala sa isang mental hospital. At ang pinupuntirya niya ay mga babae. Shiela: ( tapang talaga ni Tammy napatay niya ang killer sa isip niya ) talaga Tita? Buti naman po. Si Tammy po kasi yung.. Tita Jen: si Tammy!! Im so sorry Sheila. Patay na rin Tammy. Shiela: No Tita!! Tammy is here. Siya ang nagligtas sakin. Siya ang pumatay sa killer. Nangako siya na babalikan niya ako bumalik siya dito. Gagamutin ko pa nga mga sugat niya at tatawagan namin dapat kayo.!!! (umiiyak) Tita Jen: Its impossible Sheila. Patay na ang anak ko. Nandito siya nakahalandusay sa harapan ko. Katabi yung killer. Imposible yang sinasabi mo na buhay pa si Tammy..!! Shiela: pero tita andito si Tammy andito siya. Tita Jen: Sheila stop it.. Di na nakakatuwa ang biro mo. Shiela: pero Tita!! Tammy!!! Bez pumunta ka nga dito.!!! Tammy!! Lumabas ng banyo si Shiela... Walang Tammy siyang nakita.. Napatulala siya. Nilibot niya ang kanyang mga mata. Walang Tammy siyang nasilayan.. Tita Jen: Shiela are you ok?? Pupuntahan ka namin dyan ngayon. Parents mo on the way na rin diyan. Shiela: Tammy.... Bumagsak ang cellphone ni Shiela. Biglang tumulo ang mga luha ni Sheila. Sheila: Tammy ang daya mo. Sabi mo babalikan mo ako. Pero bumalik ka para magpaalam lang. Bakit mo ko iniwan!! ( sabay hagulgol ni Shiela ) May napansin si Shiela sa may computer table niya. Isang regalo. Nakalagay sa card: Dear bestfriend, Happy anniversary bez!! Sana magustuhan mo tong ginawa ko . Alam ko ngayon mo palang to makikita kasi di ka naman nagagawi sa secret room mo. Noong isang araw ko pa to nilagay dito. Loveyou. Ps: basta tandaan mo kahit nasaan man ako. Isipin mo nasa tabi mo parin ako palagi. May chain palang nakalagay diyan yung kapartner niyan nasa akin na. BFF for life.. Lovelots, Tammy Binuksan niya ang regalo isang scrapbook. Naglalaman ng lahat ng pictures nila simula nung magkakilala sila. Hanggang sa naging matalik na magkaibigan sila. Andon din yung drawing ni Tammy. Magaling kasi magdrawing at magdesign si Tammy. Hawak hawak din niya ang chain. Hugis puso siya na hati alam niya nakasulat don ay bestfriend. Walang tigil ang iyak ni Shiela. Yakap yakap ang scrapbook. Shiela: mawala ka man, walang pwedeng pumalit sa iyo. Yun nalang ang tanging sukling maibibigay ko sayo. Mahal na mahal kita bez. Bakit mo ko iniwan. Dumating ang mga magulang ni Shiela. Nakita nila ang kanilang anak na tulala at di makausap. Ilang taon ang lumipas bago makarecover si Shiela... Pero kahit kailan hinding hindi niya malilimutan ang kanyang matalik na kaibigan. Hanggang ngayon nasa tabi parin niya ang scrapbook at laging gamit ang chain na binigay sa kanya ng kanyang yumaong matalik na kaibigan.. Ang kaibigan na handang isakripisyo ang buhay alang-ala sa kanya. Si Tammy... :( [THE END]
Posted on: Mon, 11 Nov 2013 17:03:43 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015