Short touching story Title: "Till death" “okey lang yun, alam - TopicsExpress



          

Short touching story Title: "Till death" “okey lang yun, alam mo sa tingin ko mahal ka din naman nun eh… natotorpe lang kaya siguro ayaw nya ring malaman mo” sabi sa akin ng close friend kong si Sam short for Samuel… siguro nga tama si Sam natotorpe lang siguro yung bestfriend kong si Xander, by the way ako nga pala si Aaliyah … at si Xander yung bestfriend ko… Natatandaan ko bagong lipat si Xander sa skul namin nun pareho kaming first year at classmates kami.. Old student ako sa skul na yon kaya hindi na ako nahihiyang makiharap sa tao dahil marami na akong kakilala na old student na din … nagkakilala kami ni Xander at naging close dahil na din sa isa kong katropang si Kaye, crush niya si Xander nun kaya napilitan akong gawing close si Xander para madali na lang kay kaye na mapalapit kay Xander… nagtagumpay naman ang balak ni Kaye naging close nga kami ni Xander at napalapit na din si Kaye sa kanya… pero sa kabila ng lahat… isang araw, nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan ni Kaye kaya naman napilitan akong lumayo sa tropa.. si Xander ang naging takbuhan ko nung oras na yon kaya naman akala ni Kaye na inaagaw ko si Xander sa kanya.. Sinabi ko ang totoong balak nina Kaye kay Xander kaya naman nakipag-close ako sa kanya gaya nga ng nangyari, nagalit ng bahagya si Xander sa akin wala akong nagawa kundi mag-explain at sa awa ng Diyos naunawaan naman niya ang panig ko… wala akong laban kina Kaye nung mga oras na yon dahil yung mga kakilala ko ay napunta sa ibang section kaya naman natakot na akong lumaban sa kanila. Pilit akong ipinagtanggol ni Xander sa kanila at sinabi na hindi uubra ang mga balak ni Kaye.. sa madaling salita hindi na aayon kay Kaye ang lahat ng pangyayari.. hindi na ako kailan man nagalaw ni Kaye dahil kay Xander.. prinotektahan ako ni Xander. Umayon naman saakin ang pagkakataon at na elect ako bilang presidente ng klase kaya naman wala na silang nagawa kundi galangin ako at sumunod sa akin. Dumaan na ang bakasyon at nagkalayo na kami ni Xander.. Second year na kami at magkaiba na kami ng klase at hindi ko inaasahan ang mga pangyayari sa taong ito.. Nilapitan ako ni Xander Xander: Aaliyah! Ikaw ha hindi ka na namamansin… Aaliyah: Ako? Hindi ah! Mustah na? Xander: ok lang… ay pasensha na ha papasok na ako sa klase.. maya na lang uli! Aaliyah: sige.. bye.. Sa classroom nina Xander Classmate 1: Xander ano yon nililigawan mo? Xander: hindi no! bestfriend ko yun Sa sinabi nyang yun dun ko nalaman na bestfriends na tlga kami.. at masaya na nga ako sa pangyayaring yon unang pagkakataon ko ito na nagkaroon ako ng bestfriend na lalaki… simula nung araw na yon dun ko na naramdaman na talagang nagaalala sha sakin feeling ko tuwing kasama ko sha safe ako parati… kakatuwa noh? Tinutulungan niya ako sa lahat ng bagay, gaya ng pagdala ng gamit ko, paggawa ng assignments ko paghatid sa akin pauwi at kung ano ano pa kaya naman hindi naiwasan na mahulog ang loob ko sa kanya? Ano pa ang inaasahan nyo sa ganitong kwento shempre maiinlove sa bestfriend gaya ng ibang kwento… at yun na nga ang nangyari sa akin… natutuwa ako tuwing may nagtatanong sa akin na… “uy Aaliyah! Kayo na?” parang gusto kong sabihin na “oo” pero hindi naman dapat kasi hindi naman totoo… mahal ko talaga sha pano ba naman sinanay niya ako sa buhay prinsesa… isang araw ng bakasyon papasok na kami bilang 3rd year nun meron nakarating sa aking balita na may gusto shang iba ano pang aasahan nyo shempre umiyak ako ng todo… 3rd year na kami lumapit si Xander sakin at ipinakilala yung bago niyang girlfriend at hiniling pa na sana maging close kami nung babaeng yun shempre masakit pero hindi ko dapat ipahalata na nasasaktan ako..”plastik” kung baga o “pakitang tao”.. pagkatapos nung eksenang yun… pagkatalikod ni Xander tumakbo ako sa isang lugar sa eskwelahan namin kung saan pwede kong ilabas lahat ng nararamdaman kong sakit yung tipong pwede akong magsisisigaw at pwede ko siyang murahin kahit gaanong kalakas yung gusto ko… habang nasa kalagitnaan ako ng aking pag-iyak may lumapit sa aking lalaki… lalaki: miss.. may problema ka? Pwede ba akong makatulong? Ako nga pala si Samuel tawagin mo na lang akong Sam Aaliyah: salamat ha… hindi ba nakakahiya sayo? Ako nga pla si Aaliyah… Sam: wag ka nang mahiya.. handa akong tumulong sayo… sige na ikwento mo na.. Hindi ko alam kung bakit ako nagsimulang magkwento sa kanya kung anong problema ko para bang sa oras na yon ang gaan na ng pakiramdam ko sa kanya… hanggang sa iyak pa din ako ng iyak… at niyakap niya ako para patahanin.. siguro iniisip niyo na taking advantage siya sa situasyon… pero nakikita ko sa kanya yung sincerity niya na makatulong sa akin kaya hindi ko na yun binigyan ng malisha… hanggang sa kelangan na naming pumunta sa susunod naming klase.. hinatid niya ako sa room namin. Dumaan ang mga buwan si Sam na yung takbuhan ko pag may problema ako pagnagseselos ako, pagkelangan kong umiyak, pagkelangan ko ng kainuman, andyan siya palagi para samahan ako habang ito naming si Xander ay nagpapakasaya sa girlfriend niya… Dumating na yung araw na nakipagbreak na kay Xander yung gF nya at shempre ano pangsilbi ko kundi full support sa loko ako ang iyakan niya wala akong magawa kundi I-comfort sha kahit nasasaktan din ako sa tuwing nakikita ko shang umiiyak dahil lang sa isang walang kwentang babae… madami nangbumubuong salita sa utak ko gaya ng “dapat kasi ako na lang ang pinili mo para hindi ka nasasaktan ng ganito!” minsan pa nga “Ano bang nakita mo sa kanya na wala ako?!” at “gago ka kasi nasa harap mo na humanap ka pa ng iba!” napaiyak na din ako… mukha nga kaming tanga eh nag-iiyakan kami sa isang sulok ng school pero wala namang tao kaya ok lang na mukha kaming tanga… Bumalik kami sa dati, yung dati naming ginagawa.. masaya naman ako dahil sa wakas akin na sha uli… pero nagiguilty ako kasi yung lalaking dumamay sakin nung kelangan ko ng kadamay hindi ko na sha napansin simula nung bumalik na saakin si Xander. Si Xander partner ko sa Prom at todo bantay niya sakin nung oras na yon.. siya pa nga namimili kung sino yung isasayaw ko eh… body guard nga labas nya… Magtatapos na yung klase at shempre hindi mawawala jan yung outing… nagbabalak na yung tropa na magkaroon ng outing (swimming) nakapagpaalam na ako sa mga magulang ko at pinayagan naman nila ako… madaming kasama kaya naman excited na ako… kasi kasama si Xander, inisip ko na din na baka ito na yung pagkakataon na malaman ko kung ano talaga ang tunay na nararamdaman sakin ni Xander kaya lang nung araw ng outing sa sobrang excited ko nagkaroon ako ng ubo, sipon at lagnat… wala pa naman akong kasama sa bahay nung mga oras na iyon… kaya hindi ako nakasama sa outing…. Mga 11:00 a.m. may kumatok sa pintuan namin. Tao: Tao po! Aaliyah?! Aaliyah! Aaliyah: teka nandyan na… Pagkabukas ko ng pintuan nakita ko si Sam may dalang gamot at iba pa… para nga siyang doctor nun eh… inalalayan niya ako papunta sa kwarto ko. Inalagaan niya ako buong araw siya nagluto ng kakainin ko siya nagpapainom sakin ng gamot. Nakatulog na nga siya sa tabi ng kama ko eh. Nagising ako mga 2:00 a.m. nakita ko shang nakayuko sa tabi ko hawak hawak niya kamay ko habang mahimbing siyang natutulog napagod ata kakaalaga sakin. Hindi na mashadong masama pakiramdam ko pahinga na lang kulang.. tumayo ako at kumuha ng kumot, kinumutan ko sha… bumalik ako sa higaan ko at pinagmasdan kung pano siya matulog ngayon ko lang napansin na cute pala siya naisip ko din na sa haba ng panahong nagpapakatanga ako kay Xander nandyan siya hindi niya ako iniiwan. Simula nung gabing yon naisip ko lahat ng sakripisyo na ginawa niya para sakin saka ko lang nalaman na nasa harap ko na pala kung san san pa ako tumitingin. Hanggang sa nakatulog ako kakatitig sa mukha niya para bang kinabisado ko lahat ng parte ng mukha niya. Nagising ako mga 7:00 a.m. ng umaga tulog pa din siya tumayo ako kahit na may sinat pa ako ng konti. Naligo na ako at pagkatapos ay nagluto na ako ng breakfast namin. Nagising na sha... nakita niya akong nagluluto tinanong niya kung okey na pakiramdam ko sabi ko “oo” nilagay niya yung kamay niya sa leeg ko para tingnan kung may lagnat pa ako. Naramdaman nga niya na may sinat pa ako kinuha niya yung sandok na hawak ko at nilapag sa mag chopping board. Nagulat na lang ako nung bigla niya akong binuhat at sinabing “hindi ka pa magaling kelangan mo pang magpahinga” na-touch ako sa sinabi niya hindi na ako nakapagsalita hanggang sa nakarating na kami sa kwarto ko at nilapag niya ako sa kama ko, kinuha niya yung thermometer para tingnan kung mataas pa lagnat ko. Bigla ko na lang sinabi sa kanya na: Aaliyah: Sam… Salamat Sam: salamat saan? Aaliyah: sa lahat… sa lahat lahat ng ginawa mo sakin simula pa lang nung nagkakilala tayo.. Sam: wala yun… sige magpahinga ka muna itutuloy ko muna yung niluluto mo dun ok? Gigisingin na lang kita pagkakain ka na… Aaliyah: sige salamat… Sam: magpahinga ka ha…. Sabay hinalikan niya ako sa noo… feeling ko noon parang ayoko nang gumaling parang gusto ko laging may sakit para lagi siyang nandyan nagbabantay sakin at nag-aalaga… hanggang sa nakatulog na ako… mga after 40 minutes ginising na niya ako para magbreakfast.. at breakfast in bed pa… tinulungan niya akong tumayo at sinubuan.. sabi ko “sige ako na kaya ko naman eh” sabi niya “hindi na susubuan na lang kita” sabay sabi ko “ang sweet naman ng private nurse ko, pwede nang mag-asawa” sabay tawa ko… natahimik siya maya maya sabi ni Sam “private nurse ka jan!” sabay kiliti sakin. Nagtawanan kami ng nagtawanan tapos sabi niya “kumain ka na nga!”… masaya ako tuwing kasama ko siya para siyang gamot sa lahat ng nararamdaman kong sakit.. tapos maya maya sabi niya… “Aaliyah, uwi muna ako sandali magpapalit lang ako ng damit babalik din ako mamyang hapon..” sabi ko naman… “promise yan ha?” sabi niya “oo naman… sige aalis na ako..” hinatid ko siya sa may pinto tapos sabi niya… “ingat ka jan ha… wag kang magpapapasok ng kung sino” tapos niyakap niya ako sabay halik sa noo tapos binulong niya sakin “ingat ka plagi ha… I love you” natulala ako wala na akong masabi para bang gusto kong paulit-ulitin yung sinabi niyang yon… mga 10 minutes pa lang nakakaalis si Sam may kumatok sa pintuan naming delivery boy… tinanong ko kung para kanino sabi niya para daw sakin tinanong ko din kung kanino galing sabi niya hindi daw niya alam tapos ibinigay niya sakin yung card… nakatanggap ako ng isang bouquet ng pink roses na paborito ko, isang malaking teddy bear, balloons at yung card… binasa ko yung card para malaman kung kanino galing at eto nakita ko…. Aaliyah, Masaya ako at nakilala kita… masaya ako na Hinahayaan mong mapagsilbihan kita… Get well soon okey? Babalik ako mamaya…… Samuel Napaluha ako… shempre kahit naman sino di ba? Matatouch sa ginawa niya… sandali pa lang kami nagkahiwalay… hinintay ko yung pagdating niya… may kumatok sa pintuan akala ko siya na hindi pala… si Xander … niyakap ako ni Xander tinanong kung okey lang ako… sabi ko oo… tapos nagkwento siya ng nagkwento tungkol sa nangyari sa kanila… di ba dapat sa oras na ito kinikilig na dapat ako dahil nandito yung lalaking inaasam asam ko? Di ba dapat maging masaya ako? Pero bakit ganon bakit iba ang hinihintay ko at iba ang inaasam ko? Naguguluhan na ako… hindi ko naiintindihan yung mga sinasabi ni Xander oo lang ako ng oo… iba kasi nasa isip ko iniisip ko si Sam kung bakit wala pa siya hanggang ngaun… nagsimula nang bumuhos ang ulan tinanong ni Xander kung ok lang ako.. sabi ko masama kasi pakiramdam ko aalis na siya sana at ako naman aakyat na sa kwarto ko hanggang sa may kumatok sa pintuan.. pagbukas ko si Sam basang basa sa ulan at nilalamig… dali dali ko siyang pinapasok at pinaupo kumuha ako ng towel at extra t-shirt nagpaalam na si Xander na aalis na siya pero hindi ko na siya napansin dahil sa pagaasikaso ko kay Sam para ngang nabadtrip eh… natakot ako kasi nanginginig talaga si Sam… nung natuyo na siya at nakapagpalit na ng damit natuwa ako kala ko kasi kung ano na mangyayari sa kanya eh kaya naman sa sobrang tuwa ko nayakap ko siya at paulit-ulit na sinabing “salamat!”… nagtaka siya siguro pero sabi niya “teka, kumain ka na ba? Magluluto muna ako..” todo asikaso talaga siya…. Kaya nga namang sa kanya na tuluyang nahulog loob ko… at shempre sinikreto ko yun… pagkatapos naming kumain pinainom na niya ako ng gamot at binuhat nanaman papunta sa kwarto… ang sweet niya talaga… binantayan nanaman niya ako buong gabi… hanggang sa nakatulog na uli siya… kinabukasan, magaling na talaga ako… at dumating na mga magulang ko kinuwento ko sa kanila lahat ng nangyari na si Sam ang nag-alaga sakin nung may sakit ako… natuwa sila at nagpasalamat kay Sam…. Nung bakasyon na, madalas na si Sam sa bahay sa kanya ako ipinagbibilin ng mga magulang ko tuwing may out of town sila mas gusto nila na si Sam yung kasama ko sa bahay tuwing wala sila at least daw may kasama ako… malaki talaga tiwala nila kay Sam at masaya naman ako dun… minsan pa nga tuwing dumadalaw sakin si Xander si Sam yung naabutan niya… 4th year na kami lagi kaming sabay ni Sam pumasok tapos lagi na niya akong hinahatid… isang araw sa taong iyon nandun kami sa bahay nun ni Sam nagtatawanan, nagkkwentuhan nang biglang dumating si Xander… nang bigla na lang nangyari ang hindi ko inaasahang mangyayari…. Xander: Aaliyah…. Bakit ba lagi na lang nandito yang kumag na yan! Alam ba yan ng parents mo! Baka nga minamanyak ka na nyan eh! Aaliyah: ano bang paki mo ha!? Legal siyang pumupunta dito alam ng mga magulang ko in fact dito pa nga siya minsan natutulog eh at alam din ng parents ko at nirerespeto ako ni Sam! Xander: nirerespeto baka naman may ginagawa na kayo niyan! Sam: teka pare... wala namang bastusan.. nirerespeto ko si Aaliyah ok? Xander: ulol! Lokohin mo lelang mo gago! Aaliyah: baka nakakalimutan mong nasa pamamahay kita?! Ano bang pinunta mo dito?! Away? Xander: Nandito ako para mag-propose sayo… Aaliyah: Mag-propose?! Hahahaha nagpapatawa ka ba? Huli na ang lahat! Xander: huli na? Bakit pinagpapalit mo ako sa gunggong na ‘to! Saka di ba dapat ako nanjan ngaun sa pwesto niya?! ako bestfriend mo! Aaliyah: minahal kita dati pero binalewala mo ako… si Sam na bestfriend ko ngaun hindi niya ako iniwan kahit kelan hindi tulad mo na takbuhan mo lang ako tuwing kelangan mo ng karamay… si Sam!? Nandyan siya lagi sa tabi ko sa saya, lungkot at kung ano man.. kaya kung ako sayo umalis ka na… Tumakbo ako sa kwarto ko na umiiyak… Xander: Aaliyah!!! Teka!! Sam: Pare! Umalis ka na! Xander: paki mo ba! Ha?! Sam: Guard! Paki labas mo na ‘to.. Xander: Aaliiiiiyaaaaaaaaahh!!!! Pinuntahan ako ni Sam sa kwarto ko para I-comfort… niyakap niya ako ng mahigpit habang paulit-ulit niyang sinasabi na… “tahan na..”… nakatulog ako kakaiyak.. nakatulog ako sa kanyang bisig, damang dama ko pati pagtibok ng puso niya… natatakot talga ako sa oras ng mawala ‘tong lalaki na to sa buhay ko at ayaw na ayaw kong dumating ang araw na yon… Kinabukasan, naguusap kami ni Sam nang napansin ko na namumutla siya at may mga pasa… maya maya na lamang bigla niya akong hinawakan ng mahigpit at siya’y nahimatay… takot na takot ako nun… nagsisisigaw ako habang humihingi ng tulong… iyak ako ng iyak hanggang sa ospital… nakita ko yung mama niya niyakap ko sha ng mahigpit…tanong ako ng tanong kung anong problema hinimas nya ng hinimas yung buhok ko hanggang siya ay napaiyak… tinanong ko kung bakit…. dahang dahan niyang sinabi na…. “May Leukemia si Sam 3 taon na lang ang itatagal niya…” hindi na ako nakapagsalita at nagpatuloy sa kakaiyak… ganun din yung mama ni Sam… binantayan ko si Sam buong gabi hanggang sa magising siya… pagkagising niya napaiyak ako… Sam: Aaliyah… wag ka nang umiyak.. hindi pa naman ako mamamatay eh… hindi kita iiwan.. Aaliyah: wag na wag mo akong iiwan ha? Promise yan… Hanggang sa niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit ayaw ko na talaga siyang pakawalan hinalikan ko siya sa pisngi at binulong ko sa kanya na… Aaliyah: “Sam, mahal na mahal kita… parang awa mo na wag mo akong iiwan…” napaluha si Sam sa sinabi ko.. at umiiyak naman yung mama niya habang pinapanood kami…. Sam: “di ba sabi ko naman sayo hindi kita iiwan… paginiwan kita sino nang sasabihan mo ng problema mo? Wala na ding mag-aalaga sayo pag may sakit ka…. Kaya hindi kita iiwan” iyak lang ako ng iyak hanggang sa pinunasan niya luha ko sabay sabing Sam: “mahal na mahal din kita…higit pa sa buhay ko” maraming beses niya sinabi sakin yon… hanggang nagdesisyon akong alagaan siya hangga’t may oras pa… sabi ko sa kanya… Aaliyah: “ok… simula ngaun ako na mag-aalaga sayo ok? Ooppss!! Walang aangal! Turn ko na ngaun.. ok?” Sam: “sige sabi mo eh…” Sinamahan ko siya doon hanggang sa matapos yung check-up sa kanya at sinamahan ko siya hanggang sa paguwi niya… Nagpaalam na din ako sa mga parents ko na mapapadalas ako kina Sam at kung maaari dun na din ako matutulog minsan… pinayagan nila ako… nagdesisyon akong kina Sam muna ako matutulog ng isang linggo para mabantayan ko siya ng mabuti… Sabi ko kasi sa kanya na gusto ko hanggang sa huling sandali hanggang sa kahuli-hulihang segundo ng buhay niya ako kasama niya… pagdating ko sa bahay nila para sa unang araw ko sa kanila sinalubong niya ako… niyakap niya ako at hinalikan, para sakin lahat ng yakap niya ay mahalaga dahil hindi ko alam kung bukas nandyan pa siya… alam ko na kahit anong oras pwede siyang kunin pero hindi ko pa talaga ‘to matanggap… inalagaan ko siya doble ng pag-aalaga niya sakin… Hanggang sa dumating na nga ang kinakatakutan kong araw… ang araw na kukunin na sha sa amin…. Alam ko nahihirapan na siya… masakit talaga sakin nang Makita ko siyang nahihirapan… ang pinakahuli ko na lang salitang narinig sa kanya bago siya pumanaw ay “Aaliyah, kahit sumakalawang buhay ako tandaan mo lagi pa din kitang babantayan at hindi kita pababayaan mahal na mahal kita… ikaw na bahala sa baby natin…..lagi mo yan tatandaan” Oo tama yung nabasa niyo, 18 yrs.old na ako at single mother ng isang baby boy… hindi ko pinagsisisihan ang nangyari sakin natutuwa pa nga ako eh dahil kahit sa huling sandali binigyan pa din ako ni Sam na isang magandang alaala. -wakas- LIKE US FOR MORE ~> Being respected is more important than being beautiful
Posted on: Fri, 05 Jul 2013 02:58:09 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015