Simula nang umibig ka, ang dami mo ring natutunan sa buhay na - TopicsExpress



          

Simula nang umibig ka, ang dami mo ring natutunan sa buhay na hindi mo inaasahan, Nang maramdaman mong may kaunti kang pag-asa sa kanya, natuto kang umasa at maghintay. Nang sabihin niyang mahal ka niya, natuto kang maniwala. Nang sabihin niyang ikaw lang at wala nang iba, natuto kang magtiwala. Nang minsan siyang nagkulang at nakagawa ng kasalanan, natuto kang magpatawad. Nang minsang may nagtangkang umagaw sa kanya, natuto ka kung paano siya ipaglaban. At nang sabihin niyang hindi ka na niya mahal at hanggang doon nalang, natuto kang magparaya. Natuto kang umibig at may natutunan ka rin sa pag-ibig. Dahil dito, maraming nagbago sa buhay mo. At nang maramdaman mo ito, hindi mo inakala na magmamahal ka pala ng isang tao nang higit pa sa sarili mo..gdmorning pepzzz~~~VIRGIN~~~
Posted on: Sun, 23 Jun 2013 05:59:02 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015