Sports Pacquiao-Rios fight @ Solaire Para sa mga boxing fans - TopicsExpress



          

Sports Pacquiao-Rios fight @ Solaire Para sa mga boxing fans na hindi makakapanood ng Manny Pacquiao-Brandon Rios welterweight showdown ng live sa Macau ay may pagkakataong maranasan ang sinasabing ringside ambiance sa pamamagitan ng live screening sa Solaire Resort and Casino sa Nobyembre 24. Ang event ay hindi ordinaryong panonood lang ng isang boksing sa Solarie Grand Ballroom -- na kumpleto sa high-definition stadium cube screens, live commentators, ring girls at barker -- na kagaya sa Venetian, Macau. Mayroon ding live performers at umaapaw na pagkain at inumin mula alas-otso ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali sa sandaling ibi-beam na ang satellite feed, ayon kay Romina Gervacio, Strategic Alliances Mana­ger, Brand and Marketing officer ng Solaire. Ang tiket ay mabibili sa sumusunod na presyo: P3,500 (VVIP reserved sea­ting) na may free-flowing food and drinks, P2,500 for VIP (free seating) may free-flowing food at drinks at P1,500 for De Luxe may sandwich at drink. Available ang food at beverage mula alas-nuwebe hanggang alas-11:00 ng umaga. “It’s the next best thing to watching live in Macau,” pahayag ni Gervacio kahapon sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate. May mga discounts rin sa ilang Solaire Restaurants tulad ng Fresh, Strip, and Finestra, Red Lantern at Eclipse at valid ang discounts hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ng Nobyembre 24. Samantala, nakatakdang lumipad sakay ng private jet si Filipino ring icon Manny Pacquiao patungong Macau sa Lunes, Nobyembre 18. Ang kanyang makakasagupang si Brandon Rios ay inaasahang nakarating na sa Macau ngayong araw. ««« Admin VOI_SERVANT »»»
Posted on: Wed, 13 Nov 2013 16:31:00 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015