Status Update By Mar Bal Ndong ATTENTION FILIPINO EXPATS IN - TopicsExpress



          

Status Update By Mar Bal Ndong ATTENTION FILIPINO EXPATS IN SAUDI ARABIA: Dahil sa mga napabalitang hulihan sa checkpoints ng mga kabayan na lulan ng private vehicles na lumikha ng maraming spekulasyon at pangamba, amin pong nakausap mismong bossing ng mga nagpapatupad ng batas. Take note of the following: 1. COMPANY CARS: Ang pwede lamang pong isakay sa company cars ay mga empleyado ng kumpanya na nagmamay-ari ng kotse, bus or van. Pag natyempuhan pong lulan ng isang company car ang pasaherong di nila empleyado, ide-detain lahat ng sakay nito. 2. PRIVATE CARS: Wala pong restrictions sa mga sasakyang pagmamay-ari ng mga indibidwal, maliban sa di pwedeng nasa iisang sasakyan ang babae at lalaki na walang LEGAL na kaugnayan. Magpagayunpaman, kung ang driver o isa sa kanyang mga pasahero ay may problema sa iqama o ang kumpanyang kanyang pinaglilingkuran ay nasa YELLOW or RED zones, idedetain LAHAT ng pasahero. Mapapalaya lamang sila pag nai-correct ang status ng iqama or maibalik sa GREEN status ang kumpanya. 3. WALA pong kaso kung magkakasama sa isang sasakyan ang isang mag-anak. Kung magkaiba ng sponsors ang mag-asawa, seguruhin po lamang na nasa GREEN status ang mga kumpanyang pinaglilingkuran. May mga computers po ang awtoridad na nasa checkpoints na kung saan nila machecheck ang status ng mga nagdaraang expats. Hindi po sila awtorisado ng batas na manghuli nang walang basehan. Meron po silang power of discretion based sa data na nasasaad sa kanilang mga computers. ATIN PONG PAKATANDAAN ANG MGA SUMUSUNOD UPANG MAKAIWAS SA TROBOL: 1. SA MGA NAGMAMANEHO PO NG COMPANY CARS, iwasang magsakay ng di ka-opisina. Pwede po ninyong isakay ang inyong kapatid, magulang, misis at mga anak. 2. SA MGA NAGMAMANEHO NG PRIVATE CARS, siguraduhin po ninyo na ang inyong mga pasahero ay walang problema sa iqama at ang kanilang mga pinapasukang kumpanya ay nasa GREEN zone. Pwede po ninyong isakay ang inyong misis at mga anak. 3. SA MGA NAKIKISAKAY SA PRIVATE CARS, siguraduhin po ninyo na walang problema sa iqama at nasa GREEN ZONE ang kumpanyang pinapasukan ng may-ari ng sasakyan. 4. SA MGA PAMILYANG NAGPAPA-SERVICE, iwasan po muna ninyo ang ganitong setup. Mas safer po kung magtataksi o mangongontrata kayo ng taxi sa halip na sumakay sa mga nagsa-sideline na kabayan na may private car. 5. BAGAMAT HINDI BAWAL, iwasan po munang maghatid-sundo sa airport ng mga katropa unless ka-opisina ninyo sila. Ito po ay mga panuntunan na nakasaad sa guidelines ng Ministry of Labor at Ministry of Interior. Lahat po ng mga naireport na kaso ng detention ay may kinalaman sa color status ng sponsors ng ating mga kabayan. Bukod sa mga nabanggit, sundin ang mga batas nila tulad ng: 1. Pagsasama-sama ng mga pasaherong babae at lalaki na walang legal na kaugnayan. 2. Pagdadala ng mga bawal tulad ng droga, alak at mga kontrabando. Pasensya na po at mahaba ang mensaheng ito. Amin pong hinimay-himay lahat ng scenario upang claro po sa lahat ang kanilang mga panuntunan. Please stay away from trouble. MARAMING SALAMAT PO — with Kampi Gassim.
Posted on: Wed, 27 Nov 2013 16:37:55 +0000

Trending Topics



www.topicsexpress.com/1-14-34-_-Srimad-Bhagavatam-purport-by-Srila-topic-714340341968045">1.14.34 _ Srimad Bhagavatam purport by Srila
Anoin Ted O · : This was downloaded from the NASA Weather site -
Salut à tous, Cest Josée qui écrit pour moi car je nai pas
El Canto del Kyrie Eleison o Sr. ten piedad: Es de origen
Am sooo disgusted and pissed tonight,,,, got paid today,, been
ok..Columbia...I have known Mayor Benjamin for a long time.

Recently Viewed Topics




© 2015