Sundalo inginusong nangmolestiya ng nurse (JB Salarzon) Isang - TopicsExpress



          

Sundalo inginusong nangmolestiya ng nurse (JB Salarzon) Isang miyembro ng Philippine Marines (PM) ang inaakusahang nangmolestiya ng isang volunteer nurse sa bunkhouse ng mga medical worker sa Bgy. Lapaken, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao. Agad namang siniguro ni Brig. Gen. Alexander Balutan, commander ng 1st Marine Brigade na iniimbestigahan na nila ang akusasyon laban sa kanyang sundalo at nangakong lalabas ang katotohanan. “Pero wala pa ako dito ng pormal na kopya ng reklamo. Ang inaakusahang sundalo natin ay binata at sa inisyal na pagkakaalam namin ay nanliligaw siya sa nurse na ngayon ay nag-aakusa sa kanya ng umano’y pangmomolestiya. Tingnan natin, imbestigahan natin kung alin ang totoo at mali. Pero sakaling may pagkakasala, mananagot ang inaakusahan dahil hindi natin tino-tolerate ang mga ganitong gawain ng sino mang sundalo,” ang pangako ni Balutan. Batay sa akusasyon, minolestiya umano ng inaakusahang sundalo ang nurse dakong alas-11:00 ng gabi noong Setyembre 17. Sa salaysay umano ng nurse, nagising na lamang siya umano sa ginagawang pangmomolestiya sa kanya ng sundalo kung kaya siya ay nagsisigaw at humingi ng saklolo. abante-tonite/issue/oct0313/crime_story02.htm
Posted on: Thu, 03 Oct 2013 02:30:00 +0000

Trending Topics



d-he-has-no-one-to-take-over-topic-684195684926176">An aging King realized that if he died he has no one to take over
University to NED honi chahiye, 1- Karachi to city bhi hai 2-
Novidade, quem não sabia desse complô ai? Dilma se entregou

Recently Viewed Topics




© 2015