Supplier ng shabu sa mga lalawigan sa Bicol, arestado - PDEA 08 - TopicsExpress



          

Supplier ng shabu sa mga lalawigan sa Bicol, arestado - PDEA 08 July 2013 LEGAZPI CITY - Inihahanda na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bicol ang kasong isasampa kontra sa dalawang suspek sa pagbebenta ng iligal na droga sa rehiyon. Kinilala ang mga suspek na sina Gemma Rose Abraham, 24, at Panaiban Kusaim Makarimban alyas Abo, 47, at kapwa residente ng Dasmariñas, Cavite. Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay agent Dela Vega, sinabi nito na naging matagumpay ang kanilang isinagawang buy bust operation kung saan nakuha sa mga suspek ang aabot sa 10 bulto ng pinaghihinalaang shabu o katumbas ng 50 gramo sa halagang P200,000. Maliban dito, maituturing din na isang malaking isda ang kanilang nakuha kung saan, napag-alaman na si Kusaim ang isa sa mga nagsusuplay ng droga sa mga lalawigan ng Camariner Sur, Camarines Norte at Albay. Via brmanila padangat
Posted on: Mon, 08 Jul 2013 15:06:51 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015