Survivor napaanak pagbaba ng C-130 Sa kabila ng trahedyang - TopicsExpress



          

Survivor napaanak pagbaba ng C-130 Sa kabila ng trahedyang sinapit sa delubyong dala ng bagyong Yolanda ay nanalig pa rin sa bagong pag-asa ang isang ginang matapos nitong iluwal ang bunsong sanggol na babae pagkalapag ng sinakyang C-130 plane ng Philippine Air Force sa Villamor Airbase makaraang lisanin ang kinagisnang lugar na sinalanta ng bagyo. Dahil sa hirap at mahabang paglalakbay ay napanganak nang wala sa oras ang ginang na si Noverlyn Ronda, 34-anyos, ng San Jose, Tacloban City pagbaba sa sinakyang C-130 plane kahapon ng madaling-araw. Ayon sa kabiyak ng ginang na si Jaime Ronda, 31, kasama ang apat na anak at mga magulang nang lumapag sila sa Villamor Airbase dakong alas-dos ng madaling-araw. Pagbabang-pagbaba nila sa C-130 ay dumaing na nang pananakit ng tiyan ang kanyang asawa at nakita nitong dinugo na ang ginang kaya’t agad siyang humingi ng tulong sa mga sundalong Amerikano na kung saan agad itong isinakay sa ambulansya. Isinugod ang ginang sa Pasay City General Hospital at ilang minuto lamang ay nailuwal ang malusog na sanggol na babae. Matapos maisilang ang bunsong anak ay hindi alam ngayon ng pamilya kung saan sila mananatili dahil wala silang kamag-anak sa Maynila. Nakipagsapalaran lamang sila sa Maynila dahil hindi na umano nila matiis na makita ang kanilang lugar at mga anak na hindi halos kumakain.
Posted on: Tue, 19 Nov 2013 03:18:09 +0000

Trending Topics



ss="sttext" style="margin-left:0px; min-height:30px;"> Pitch Perfect Movie Poster 18X27 ej0y50 v2q76mm9r, av024w
Tico-Tico é um gato Que a Maria quer bem Não dá, não troca,
Hawke Sport Optics Frontier Open Hinge 8x42 Black Binoculars
Tuổi 20, tuổi của những nông nổi, nhầm lẫn, tuyệt
Ever since giving iMovie the boot for good and using nothing other
We are Gods Ambassadors Because we understand our fearful

Recently Viewed Topics




© 2015