THE RIGHT TIME-chapter 2 Dumating kami sa bahay ni Rome mga - TopicsExpress



          

THE RIGHT TIME-chapter 2 Dumating kami sa bahay ni Rome mga 6:30pm na. “Wow ganda naman nang bahay n’yo Ace.”Amaze na ewan lang na sabi ni Rome “Sus! Maganda nga wala naman laging tao sa loob. Ala rin kwenta yan.” Ang sabi ko naman na halatang nagmamaktol ang boses. “Bakit, asan ba Parents mo Ace?” Tanong naman nya na nakakunot ang mukha. “Papa ko at mama ko busy sa trabaho. Laging out of nowhere.” Sabi ko. “Tara pasok na tayo dami mo kasing tanong di tuloy tayo nakapasok agad.hehe” Sabi ko ulet para maiba ang usapan. “Good evening Sir Ace nan dito na pala kayo, himala ang aga niyo atang umuwi ngayon.”si manang leth ang mayor doma ng bahay namin. “Si manang leth talaga kung makapang inis wagas! S’ya pala si Rome ka klase ko.” Pag papakilala ko kay Rome sa aming mayor doma. “Rome sya naman c manang leth mayor doma namin.” Pag-papakilala ko naman kay manang leth “Ay good evening sir Rome pasinsya na po kayo kung di ko kayo agad napansin. Matanda na kasi ako kaya mahina na rin ang aking mata.” Bati naman ni manang kay Rome. “Okey lang po nanay wala pong problema doon.” Ang nakangiting wika ni Rome. “Ka bait naman na bata ang galang pa. tara pasok kayo at Sir Ace dito n’yo nalang din pakainin ng dinner ang kaibigan nyo para makilala nia ang mama at papa mo. “Sige manang akyat lang kami sa kwarto para makita nitong si Rome ang kwarto ko.” Sabay hilay kay Rome para di na humaba pa ang usapan. Umakyat na kami sa kwarto ko. “Wow ang galing! Lahat superman! Astig!” Ang amaze naman na sabi ni Rome at lumaki pa ang dalawang singkiting mata nito. “Naku!!!kung ma shock ka jan parang wagas lang ah. Bata pa ako mahilig na ako sa superman at nung mag highschool nga ako nakapag decide ako na gawan ng theme ang kwarto ko. Kaya puro superman ang display.” Ang sabi ko naman sa kanya na may pag-mamalaki ang tono. “Na amazed talaga ako. Mula sa paint mo red at blue, may collection kapa ng magazine at isama mo pa ang bed cover mo at throw pillows at ang action figures na d mo talaga inalis sa box lol. Ang adik naman nito Ace, Ang ganda talaga!” Si Rome habang paikot ikot ang mata sa buong room ko. “Para kang sira tingnan mo itchura mo sa salamin oh para kang bata!” Humahalakhak kong tawa sa kanya. “How I wish na meron din ako ganitong collection. Palagi kasi kami nalipat ng bahay dahil sa trabaho ni mama kaya puro apartment lang kami.” Halata sa mukha niya ang kalungkutan nung banggitin niya ang mga salitang iyon. “Ngeks!! Wag kana mag emote jan. diba bestfriend na tayo?” Tumango lang siya. “So meaning to say ang room ko ay room mo narin kasi d naman maiiwasan na minsan dito ka mag-sleep over dba?” Bigla namang nagliwanag ang mga mata nya at bigla din nya akong niyakap. “Salamat Supah Ace, ah.” Nabigla man ako sa ginawa nya at natawa sa bagong tawag nya sa akin. “Supah Ace? Anu yon ang baho naman nun!” Tumawa sya ng ubod ng lakas ang tawa na gustong gusto ko sa kanya. Yung tawang nakakahawa, nakakawala ng problema. “Simula ngayon Supah Ace na tawag ko sayo, kasi mahilig ka sa superman. Hahahahah ayus diba?” Binatukan ko sya sa ulo at tumawa na rin ako. “Aray bayolente ka pala! Supah Ace wag ka naman mang batok ang sakit kaya!” pag tatampo tampohan nyang sabi “Ikaw kasi!!! Ang dami mong alam! Hahaha” Nag katawanan ulet kami.
Posted on: Tue, 27 Aug 2013 15:03:54 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015