TURISMO,SUSI,SA PAG ASENSO.(M> PAMELA PARDO) sa pangalawang ama ng - TopicsExpress



          

TURISMO,SUSI,SA PAG ASENSO.(M> PAMELA PARDO) sa pangalawang ama ng lalawigan at tagapangulo ng sangguniang panlalawiga, VICE GOBERNADOR JONAH PIMENTEL, sa aking mga kapwa pinagpipitagang BOKAL, mga legislative staff at secretariat, sa mga mamahayag at tagapaghatid ng balita sa radyo, sa telebisyon at maging sa mga pahayagan, sa mga panauhin sa bulwagang ito, sa lahat ng mga tagapakinig at mga kababayan ko dito sa lalawigan ng camarines norte, isang magandang araw po sa inyong lahat. kamakailan lang po or to be exact, nuong june 26 taong pangkasalukuyan ay inilunsad ang THE SEARCH FOR THE TOP 10 PHILIPPINES GEMS na isinagawa sa pangunguna ng ISLA LIPANA&CO.,sa pakikipagtulungan ng PHILIPPINES TOURISM AND PROMOTION BOARD ng DEPARTMENT OF TOURISM at UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES ASIA INSTI TUTE OF TOURISM, bilang bahagi ng SCEENING COMMITTEE, katuwang ang mga kinatawan mula sa ibat ibang kilalang TRAVEL ASSOCIATION at indibidwal tulad ng MANAGEMENT ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES,FLEISHMAN HILLARD MANILA,travel bloger JAMES BETIA at media personalities tulad ng LOVE ANOVER, JING LEJANO AT ACE JAVIER REYES> pangunahing layunin ng philppines gems ang pagmulat ng kamalayan at pag papakilala sa likas na kagandahan at kalinisan ng mga lugar sa boungt pilipinas, maging ang mga lugar man na ito ay itinuturing na underdeveloped maliban dito, layunin ng proyekto na maingat ang antas ng pagkakakilanlan sa mga napipiling lugar upang makaganyak o makatanggap ng malawakang atensyon mula sa mga lokal at dayuhang turista at namumuhunan upang sa dakong huli ay yumabong at mapa unlad ang mga aktibidad sa kagalingang pang ekonomiya. dagdag pa rito, inaasahang sa pamamagitan ng naturang search ay makakahimok ang pilipinas ng kabuuang hindi bababa sa 10 milyong turista mula sa ibat ibang bansa pagsapit ng taong 2016. mula sa bilang na 175 destinasyons sa buong kapuluan na nakilahok ( kasama rito ang CALAGUAS ISLAND) sa pamamagitan ng mga kawani nito at ng mga online travel blogger,ang mga nabangit na distinasyon ay na trim down sa 50 kalahok lamang. at sa dakong huli, napag pasyahan ng screening committee na gumawa ng shortlist at nauwi na lamang sa bilang na 25 kalahok. muli nakasama pa rin ang CALAGUAS ISLAND sa mga napili.at mula sa shortlist na nabangit, inimpisahan na ang search committee ang pagpapasimula ng public online voting upang maoagpasyahan ang maituturing bilang TOP 10 PHILIPPINE GEMS. malugod ko pong ibinabalita sa kapulungang ito at sa lahat ng ating mga mamamayanan, na sa simula pa lamang,hangang sa pagtatapos ng search noong sept 25,hindi lamang napanatili ng CALAGUAS ISLAND bilang isang tourist destination ang pagkapasok sa top 10 PHILIPPINE GEMS sa tatlong pagkakataon.sa bawat inisyal hanggang sa pinal na resulta bilang top 10 emerging tourist destination sa boung pilipinas, napanatili at nanguna ang calaguas island satop 10 philippine gems. isang karangalang maipagmamalaki isang oportunidad hindi lamang para sap pamahalaang panlalawigan kundi para sa bawat mamamayanan ng camarines norte. at itoy utang natin sa lahat ng tourist stakeholders tulad ng mga local tour organizer na nag popost nito sa kann-kanilang wedsites, in efffect ay nakaeengganyo sa mga turista na ma-experience at ma enjoy ang likas na ganda ng kalikasan sa camarines norte sa mga media entities from manila na mga nagsiparito upang masilayan ang nakita nila sa blogs at maipromote din nila sa kanilang t.v programs, peryodiko, at iba pa. hindi rin natin mababalewala ang effort ng mga local goverment units na nakatutok ang programa rito. subalit sapat na po ba ang ating mga nagawa upang matamo ang nasabing karangalan at bigyan ng ganitong pagkilala?, sakalit maiangat na ang kamalayan ng mga turista mula sa ibat ibang lugar sa loob o labas man ng ating bansa tungkol sa angking kagandahan ng ating lalawigan, nakahanda na ba tayo,ang mga lokal na pamahalaan, ang mga mamamayananat maging ang mga pasilidad sa pagtangap sa inaasahang pagdagsa ng mga turista saating lalawigan sa mga darating na panahon? may sapat rin bang sistema ang pamahalaan at ang bawat mamayan upang mapangalagaan, mabigyan ng proteksyon at tamang pagtrato ang mga turistang dayuhan? sa akin pong palagay, hindi pa po sapat kulang pa po ang ating nagawa na sakabila ng pagsusumikap ng ating pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni GOV.EDGARDO TALLADO at ng masigasig na kampanya ng ating PROVINCIAL TOURISM OFFICE sa pamumuno ni ATTY.DEBBEE FRANSISCO upang maihanda at mapa unlad ang torismo ng ating probinsya, hindi pa po ito magiging sapat upang maitaguyod natin ang kahandaan sa pag papa unlad ng torismo. kailangan pa rin po ang mas aktibong partisipasyon ng bawat isa ng lahat na tourism stakeholder na makapag level up sa kanilang serbisyo, ng mga mamamayanan sA bawat lugar na dinarayo upang makilahok sa sarili nilang positibongmga potetial tourist destination dito at mapagtuunan ng pansin na makapaglagay ng mga pasilidad na kinakailangan upang mas mapag ibayo ang serbisyo samga turista. batid po natin na ang turismo ay isa sa mga pangunahing industriya na nakapag aambag sa pag lago ng ekonomiya, lumikha ng hanap buhay, negosyo at aportunidad para sa bayan at sa mamamayanan nito. subalit sa kasalukuyan, pagmasdan po natin ang ating kapaligiran lalot higit sa mga pangunahing kalsada.nananatiling EYE SORE ang mga kalat o basura na walang habas na itinatapon ng ilan nating mga kababayan kasama na rito ang basura sa mga sapa, ilog,o sa mga daluyan ng tubig, ang mga costal shores sa mga coastal barangays ay namumutiktik sa mga nagkalat na basura tulad ng bunot ng niyog, dumi ng hayop, at ng tao, mga plastic, mga bote at styrofor na ginagamit ng mga picknickers, at iba pang uri ng mgabasura na hindi na rin nagiging kaaya-aya sa paningin. ang mga pasilidad tula ng mga hotel, resort at mga restaurants kasama na rito ang mga tour operators na walang akreditasyon mula sa deparment of tourism.maging ang mga sasakyang pandagat na naghahatid ng mga turista sa ibat ibang isla sa loob ng ating lalawigan ay wala ring lisensya opermit to operate o authority mula sa marina. saakin pong pananaw, ang mga ito ang magiging sagabal sa patuloy na pag unlad ng turismo saating lalawigan. bawat isa po sa atin ay may obligasyon na mag ambag sa ikagaganda, ikaka-ayos at ikauunlad ng ating bayan maging ikaw ay may katungkulan sa pamahalaan o nasa pribadong sector. may trabaho man o wala,maging mahirap man o mayaman. at kung hinahangad po natin na lumagoang torismosa ating lalawigan,kung nais nating umangat ang ating kabuhayan, kailangan na po natin ang seryosong pag hahanda at ibayong pag kakaisa at pagtutulungan sa pag pasasaayos ng sistemang tutugon sa mga pangangailangan ng mga turista lokal man o dayuhan dahil para po saa akin TURISMO ANG SUSI SA PAG UNLAD NG BAYAN,kaya po ang aking panawagan BAYAN MAHALIN,PAGANDAHIN.ATING MITHIIN. yan po yung naging privege speech ni hon BM PAMELA PARDO Kaninang umaga
Posted on: Tue, 29 Oct 2013 09:52:16 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015