The best pa din yung "The Snorlax"... kahit 2hrs lang tulog mo sa - TopicsExpress



          

The best pa din yung "The Snorlax"... kahit 2hrs lang tulog mo sa bahay OK na pwede naman sa jeep MGA URI NG PASAHERO NG JEEP ! The Shampoo Commercial Model:Sila ang mga pasaherong feel na feel ang hangin sa jeep habang humahampas ang kanilang buhok sa mukha ng kanilang katabi. Ang sarap kalbuhin. The Snorlax:Sila ang mga pasaherong mahilig matulog, kala mo pagod na pagod. Ginagawa nilang kama ang katabi nila. Kung makasandal wagas, sige sige parin sa pagtulog. Mabilis ang karma sa kanila dahil madalas silang lumalampas sa bababaan nila. The Uchiha Clan:Sila ang mga pasaherong may matang hindi mapigilang makibasa sa text ng katabi nila. Ang sarap tusukin ng mata. The VIP:Sila ang mga pasaherong hindi alam ang upong otso, kung makaupo sakop ang pangdalawang tao. Kakapal ng mukha, kala mo ang binayad dalawang otso. The Kris Aquino & Friends:Sila ang mga pasaherong ubod ng arte. Ang daming reklamo, kesyo mainit... kesyo masikip... Putangina, mag-taxi kayo! The Bottomline with Boy Abunda:Sila ang mga pasaherong makakwento feeling may talk show. Sa lakas ng bunganga rinig ng lahat ng pasareho. Ang sarap pakainin ng siling labuyo. The CD-R King:Sila yung mga pasaherong naglalabas ng mga gadgets para lang ipagmayabang, yung kunwari nagtetext mailabas lang yung cellphone The Voice:Sila yung mga pasaherong naka-earphone na kanta ng kanta na walang care sa ibang pasahero basta makakanta lang sya... PANGET naman ng boses. The Deadma:Sila yung mga pasaherong ayaw mag-abot ng bayad, kunyari may kukunin sa bag, ayaw lang talagang iabot ang bayad mo/ The 1-2-3:Sila yung mga pasaherong hindi nagbabayad.. nakasulat na nga na GOD KNOWS JUDAS NOT PAY... di pa din naaapektuhan The PBB-Teens:Sila yung mga pasaherong makapaglandian sa loob kala mo sila lang ang pasahero di na nahiya...
Posted on: Wed, 11 Sep 2013 17:01:52 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015