This is getting old already. Friendly advise, please refrain from - TopicsExpress



          

This is getting old already. Friendly advise, please refrain from giving compliments to photographer and/or videographers if youll just finish your sentence with a phrase or question that goes like ang ganda kasi ng gamit niyong lens ano po? Ang mahal siguro niyan. Ang gaganda ng shots niyo eh. Believe me, its not flattering. Matter of fact is, mas lamang yung insulto kesa sa papuri. Hahaha. Hindi siya masarap sa pakiramdam ang totoo nakakabadtrip siya. Medyo offensive actually. Kapag magaling ang karerista ang dahilan eh kasi mabilis yung kotse niya? Kapag masarap ang luto ng chef kasi maganda yung mga kaserolang gamit niya siguro ano po? Kapag mahusay na tennis player kasi mamahalin yung raketa niya? Kapag ang graphic designer magaganda ang gawa kasi nakamacbook pro siya? Ang painter, maganda ang brush ganun? Ang designer top of the line ang pang sketch tsaka mamahalin ang makina? Aba matinde! Eh baka naman pati kapag ginupitan ka ng barbero at nagandahan ka eh isipin mong kaya maganda gupit sayo eh kasi maganda at mamahaling gunting yung gamit. Pambihira! Yes malaking tulong po ang magandang gamit pero syempre nasa gumagamit pa din yan. If you want to give a sincere compliment, focus more on the skills of that person who you are giving compliment to rather than insinuating or pointing out (consciously or unconsciously) that his/her works are good because s/hes using top of the line gears and those are the reasons kung bakit ang husay husay niya. Uulitin ko. It is not flattering. :P #sorrynotsorryforthislengthyrant #buhayphotographer
Posted on: Tue, 24 Jun 2014 16:26:56 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015