This message is forwarded by C/Engr. Ben Lorque Pumunta kami ng - TopicsExpress



          

This message is forwarded by C/Engr. Ben Lorque Pumunta kami ng Iloilo at may dalang sasakyan. Doon sa Roxas, Mindoro na stranded kami ng 12 hours dahil ang mga sasakyan na nahuli sa listahan ng Montenegro Shipping ay na-una pa isinakay dahil sa lagayan system. Supposed to be 10 am ang departure namin ngunit nag hintay kami ng 12 hours at 10 pm na kami naka-alis Sa opisina ng Montenegro Shipping walang personnel na pwede kausapin ng mangyari yon. Sa 2GO travel naman from Caticlan to Batangas dated July 12, 2013, sumakay kami sa St. Agustin of Hippo on their Voy.110. Nag bayad kami P112.50 as Service fee at P30.00 para sa linen. Nang nasa abordo na kami, hindi nila ako mabigyan ng linen kung hindi ako mag deposit ng P50.00. Ayaw nila tanggapin ang linen fee na nasa ticket namin na nabayaran na namin ang linen at SINABIHAN AKO NA REFUND KO NALANG LINEN FEE KUNG SAAN KO KINUHA ANG TICKET which is an arrogant approach dahil impossible maka balik sa opisina ng 2GO kung nasa abordo ka na. Kahit toilet paper walang makita sa Comfort Room at ang kanilang katuwiran ay sa cabin class lang daw ang may toilet paper. BAKIT NANINGIL SILA P112.50 NA SERVICE FEE sa lahat na pasahero kung cabin class lang ang serbisyuhan nila? Para sa akin kung natakot sila mawala ang linen nila kung kaya humihingi ng deposit, ONE HOUR BEFORE ARRIVAL mag announce na sila na ibalik ang mga linen o sila mismo mag collect ng linen dahil may service fee naman na ibinayad ang mga pasahero. Imagine kung 500 ang passengers at P142.50 each, that is worth P71,250.00 bawat araw ang makuha nila sa pasahero. Where does this money goes, to the management or sa tripulante ng barko dahil hindi man lang napakinabangan ng pasahero ang pera na kanilang ibinayad? May pasahero din na may anak na 1 year old, pinapabayaran sa kanya worth P200.00 from Caticlan to Batangas bilang pamasahe ng bata dahil kung hindi nya mabayaran ang bata ay maiwan. Their ticket is in my possession kung talagang kailangan patunayan. A copy of complaint too which I made against 2GO management and signed by their Property Custodian is with me, therefore please acknowledge and respond positively sa isyong ito dahil kawawa ang pobreng pasahero na nag bayad ng hindi naman nila napakinabangan.
Posted on: Tue, 16 Jul 2013 04:56:45 +0000

Trending Topics



30px;">
Empower your Staff Your time and the right people are one of your
Assembléia de Deus Ministério Paulistana Endereço: Rua
Heres your HALLOWEEN TREAT! :D Ready for ANOTHER Vampiress:
4 Victorian Birds On A Seashell - 12 Inch Glass Tile Here you

Recently Viewed Topics




© 2015