This warning message was forwarded to me by a former office mate - TopicsExpress



          

This warning message was forwarded to me by a former office mate who got this email from a church mate of hers during her high school days and who is a Canadian citizen and have been residing in Canada for more than 30 years now. Forward this to as many Filipinos as you can who are planning to apply in Canada. ITONG E-MAIL NA ITO AY PARA SA MGA KABABAYAN NA GUSTONG PUMUNTA SA CANADA PARA MAG TRABAHO: AKO SI LYLA GRAY, ISANG PINAY NA CANADIAN CITIZEN. MARAMI NA AKONG NAKAUSAP NA NILOKO NG MGA RECRUITMENT AGENTS NA SWAPANG. WALA NG INISIP ITONG MGA AGENTENG ITO KUNDI SARILI NILA. WALA SILANG PAKIALAM KUNG MAWALAN NG PERA ANG MGA NILOLOKO NILA. GALING PA NAMAN SA PAWIS ANG PERA NA BINAYAD SA KANILA O INUTANG PA NILA SA 5-6 O NI MORTGAGE PA NILA ANG BAHAY NG MAGULANG PARA MAKARATING DITO SA CANADA. PAG MAY MABALITAAN KAYO NA MARAMING TRABAHO DITO SA CANADA, HUWAG KAYONG MANINIWALA. GAWA GAWA LANG NG MGA SWAPANG NA RECRUITMENT AGENTS ITONG STORYANG ITO PARA YAYAMAN SILA. WALA SILANG PUSO!! MADALI MAGHANAP NG TRABAHO KUNG KAYO AY MAY OPEN VISA, IMMIGRANT O CANADIAN CITIZEN. PERO, PAG PUPUNTA KAYO DITO NA TEMPORARY FOREIGN WORKER, MAG DALAWANG ISIP KAYO. MAG INVESTIGATE KAYO KUNG TOTOO NGA NA MAY COMPANIA NA TATANGGAP SA INYO NA MAG TRABAHO. TAWAGAN NINYO ANG COMPANIA. MAY NAKAKARATING DITO NA SABI MAY LMO (LABOUR MARKET OPINION) AT MAY WORK PERMIT PERO, PAG DATING DITO, GHOST COMPANY LANG PALA ANG TUMANGGAP SA KANILA. KASALUKUYANG MAY TINUTULUNGAN AKONG MGA PINOY NA GALING SA TAIWAN. PUMUNTA SILA DITO SA CANADA PARA MAGTRABAHO NA WORM PICKER SA TORONTO. TWELVE SILA NA DUMATING NA SABAY SABAY SA TORONTO NUNG AUGUST, 2013. BAWAT ISA, BINAYARAN NILA ANG AGENTE NG 10,000 CANADIAN DOLLARS (TEN THOUSAND DOLLARS)!!!! PAGDATING NILA DITO, WALA PA LANG TRABAHO. SABI NG AGENTE, IHAHANAP NIYA SILA NG TRABAHO AT MAGBABAYAD NG EXTRA $2,000 (TWO THOUSAND DOLLARS) KUNG MAKAKAHANAP SIYA NG TRABAHO PARA SA KANILA. PERO, WALANG MAKITANG TRABAHO SA TORONTO. KAYA UMALIS SILA SA TORONTO. IYONG IBA LUMIPAT SA VANCOUVER; IYONG IBA SA GRAND PRAIRIE; IYONG IBA SA CALGARY; AND DALAWA SA EDMONTON, KUNG SAAN AKO NAKATIRA. PINAKILALA SILA SA AKIN NG ISANG KAIBIGAN NA MAAWAIN NUONG ISANG LINGGO. NA DISCUBRE KO ANG WORK PERMIT NG ISA AY EXPIRED NA SA FEBRUARY 21, 2014; ANG ISA EXPIRED NA ANG WORK PERMIT SA MARCH 15, 2014. ITO BA ANG BINAYARAN NILA NG $10,000? (INCLUDING ONE WAY AIR FARE). JANUARY 20, 2014 NA ANG DATE NGAYON HABANG SINUSULAT KO ITONG E-MAIL NA ITO. ISANG BUWAN NA LANG PABABALIKIN NA ANG ISA SA PINAS KUNG WALA SIYANG MAHAHANAP NA TRABAHO NA MAY LMO. NAGKAKANDARAPA SILA SA KAHAHANAP NG COMPANIA NA MAY LMO AT MATANGGAP SILA PERO HANGGANG NGAYON WALA PANG TUMATANGGAP SA KANILA. KAHIT NA ANONG TRABAHO, GUSTO NILANG PASUKIN PARA MABAWI NILA ANG $10,000 NILA. PERO, WALA PA RIN. NUONG ISANG GABI, JANUARY 18, 2014, SABI NG ISANG KAIBIGAN KO, MAY DUMATING NA ISANG GRUPONG PINOY GALING SA TAIWAN PAPUNTANG CALGARY. MAGTRATRABAHO DAW SA FARM. SA DAMI NG SNOW DITO, HINDI PA SILA MAKAKAPAG TRABAHO HANGGANG APRIL OR MAY. KAWAWA NAMAN SILA. WALA SILANG KITA NG 3 BUWAN!!! PAG UMPISA SILA NG TRABAHO SA APRIL O MAY, ANIM NA BUWAN LANG SILA MAKAKAPAG TRABAHO KASI DARATING NA NAMAN ANG WINTER. SA TOTOO LANG, ILLEGAL ANG PAGSINGIL NG MGA AGENTE SA MGA PROSPECTIVE EMPLOYEES. DAPAT SA EMPLOYERS LANG SILA MANININGIL. MAY MGA AGENTE DITO NA NASA PRESO DAHILAN SA HINDI SILA SUMUNOD SA FAIR TRADE ACT. ITO PA ANG GUSTO KONG SABIHIN SA INYO: HUWAG NINYONG ISIPIN NA YAYAMAN KAYO KUNG MAKAKARATING KAYO DITO SA CANADA. HALIMBAWA, KUNG $12.00 AN HOUR ANG SUELDO NINYO, HUWAG NINYO I-MULTIPLY NG 40 PESOS . TAPOS, SASABIHIN NINYO WOW! ANG LAKI! SA TOTOO LANG, ANG $12.00 AN HOUR NINYO AY KALAHATI LANG ANG MATATANGGAP NINYO DAHILAN SA MAY DEDUCTIONS PA SA SUELDO NINYO GAYA NG INCOME TAX, CANADA PENSION PLAN, EMPLOYMENT INSURANCE, WELFARE, AT IBA PA. TAPOS, DUN SA NET INCOME NILA, MAGBABAYAD PA NG RENT O MORTGAGE, MAMIMILI PA NG GROCERIES, BUS FARE, MGA DAMIT NA PANGGINAW. WALA NG NATIRA SA NET INCOME NILA!!! KAYA IYONG IBA, HINDI MAKAPAGPADALA NG TULONG SA PINAS KASI KASYANG KASYA LANG ANG SUELDO NILA, WALANG LABIS. IYONG MGA IMMIGRANTS O CANADIAN CITIZENS, NAG DADALAWA O TATLONG TRABAHO SILA PARA MAY MAPADALA SILA SA PINAS. KAYA, HUWAG KAYONG MAGAGALIT SA MGA KAMAG-ANAK NINYO KUNG WALA SILANG MAIPADALA SA INYO. AT KAYONG MAY NATATANGGAP NA DOLYAR GALING SA PAWIS NG KAMAG ANAK NINYO DITO, PUEDE BA HUWAG NINYO PAGLARUAN ANG PERANG PINAPADALA NG KAMAG-ANAK NINYO DIYAN? HINDI PINUPULOT ANG PERA DITO; HINDI BUMUBUNGA SA PUNO ANG PERA DITO. HUWAG KAYONG MAGBILIN NG MGA MAY BRAND NAME NG KUNG ANU ANO PARA MAYROON KAYONG IPAGMAMAYABANG DIYAN SA PINAS. KAMI MISMO DITO, KARAMIHAN SA MGA PINOY DITO HINDI MAKABILI NG MAY BRAND NAME NA KUNG ANU ANO. MARAMING SALAMAT SA INYO AT MAY PANAHON KAYONG MAGBASA NG E-MAIL KO. SUMASAINYO, LYLA GRAY
Posted on: Mon, 20 Jan 2014 23:58:17 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015