Tips para maka MOVE ON 1. Maglaan ka ng isang gabi na aalahanin - TopicsExpress



          

Tips para maka MOVE ON 1. Maglaan ka ng isang gabi na aalahanin mo lahat ng nangyare sa inyo. Pero sabihin mo sa sarili mo na ito na ang Huling araw ng pag-iyak at pagalala mo sa nakaraan ninyo. 2. Huwag munang makinig ng mga kanta na makakasenti sayo. Makinig ng mga pang-Rakrakan o pang-sayaw na kanta. 3. Magpaganda ka lalo. Ipakita mong hindi sa deppressed. Ipakita mong strong person ka. 4. Huwag kang papayag na magpadala sa emotion mo. Sabihin sa sarile na kaya mong maka MOVE ON. 5. Gumimik kasama ang tropa. 6. Sabihin sa sarili na tapos na ang lahat at wala nang babalikan pa. 7. Huwag bigyan ng ala-ala ang lahat ng bagay na nakikita. Katulad ng, nakakita lang ng jeep eh naalala na yung magkasabay kayong umuwi at holding hands pa sa byahe. 8. Huwag mong isipin nakakalimutan mo na siya, Dahil hindi mo sya maaaring makalimutan. Depende nalang kung ibagok mo yung ulo mo at mag ka amnesia ka. Tandaan na ang aalisin mo ay ung FEELINGS mo sa kanya, at hindi ung memories mo sa kanya. Dahil ang memories tatawanan mo nalang yan pagdating ng maraming taon na lumipas at minsan ang memories den ay yung magtuturo satin upang itama natin yung mga nagawa nating mali, kung kaya’t hindi nag work yung past relationship. “Kahit gaano pa kahirap ang magmove on, Kailangan mo itong gawin dahil mas mahirap ang maging broken-hearted forever. Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo. Isipin mo na may inilaan si God para sayo na mas BETTER pa sa EX na kinabaliwan mo. Minahal mo siya e, natural magiging ganyan ka pero wag ka naman masyadong mag-paapekto. Napaka AGA pa para mabaliw sa isang taong pinadaan lang naman sa buhay mo. Malay mo babalik din yan, Pero wag ka ng umasa. Madami namang iba, hindi mo lang siguro nakikita dahil nakafocus kalang sa kanya ADMIN~MARK~E
Posted on: Wed, 11 Sep 2013 12:13:56 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015