UTO-UTO Naniniwala ako na lahat ng tao sa ibabaw ng mundo ay - TopicsExpress



          

UTO-UTO Naniniwala ako na lahat ng tao sa ibabaw ng mundo ay minsan ng naging uto uto.. hindi man natin aminin pero sa isang punto ng ating buhay ay nagpa-alipin tayo sa konsepto ng katangahan… nagiging uto-uto tayo sa mga ilang halimbawang babanggitin ko… - nauto ka ng manliligaw mo at napasagot ka niya sa mismong araw na nanligaw siya… - nauto ka ng barkada mo na manlibre sa boracay… - nauto ka ng mga magulang mo na kumuha ng kursong hindi mo naman hilig (tulad ng cosmetology)… - nauto ka ng gf mo na hindi pa siya virgin (sa ilong)… - nauto ka ng teacher mo ng sinabi niya na magagamit mo ang pinag-aralan mo (cosmetology) kapag nagtatrabaho ka (funeraria paz)… - nauto ka ng boss mo na kumuha ng OT work kahit walang OT pay… - nauto ka ng mga infomercial sa telebisyon na bumili ng kanilang produktong hindi naman nagana… (tulad ng pampalaki ng dodo) - nauto ka ng kaklase mo na magpakopya habang may exams… (tulad ng PE subject) - nauto ka ng jeepney driver na nagsasabing maluwag pa ang loob ng kanyang jeep pero ang totoo ay kalahati lang ng puwitan mo ang nakasayad sa upuan… (1/4 actually) - nauto ka ng wrestling dahil akala mo totoo ito… (isa na ako) - nauto ka ng mga politiko na kapag nanalo sila ay maaayos nila ang pilipinas… (hindi na ata ito mabubuwag) - nauto kang makipag-inuman sa mga ka-EB mo hindi mo pa nakikilala… (tapos ginahasa ka nila… sa ilong) - nauto ka na ibigay ang cellphone mo at pitaka sa holdaper na wala namang kargang armas… (boses pa lang, scary na) - nauto mo ang holdaper na ibigay sa iyo ang sim card ng cellphone na ninakaw niya… (dahil maawain siya) - nauto ka na bumili ng mahigit 20 na kape para makakuha ng starbucks planner… (na hindi mo naman sinusulatan) - nauto ka na sinabi ng nanay at tatay mo na maganda/gwapo ka… (binasag lahat ng salamin sa bahay ninyo) - nauto ka ng mga ibang men’s magazine na nagpapakita ng dodo ang mga sikat na artista pero hindi naman… (yung mga hindi gaanong sikat ang nagpapakita ng dodo) - nauto ka ng araw at di ka nagdala ng payong sabay maya-maya ay bubuhos ang malakas na ulan… (dahil nasa showtime na si kuya kim) - nauto ka ng axe spray na kapag ginamit mo ito ay dudumugin ka ng mga magagandang chicks… - nauto ka ng pyramid scheme… - nauto ka ng isang tv host na sa pamamagitan ng pag-iyak sa telebisyon ay magkakapera ka… (pero magmumukha kang tanga) - nauto ka ng pulis nung hinuli ka dahil overspeeding ang paglalakad mo sa sidewalk… ikaw? nauto ka na ba? Habiba@
Posted on: Sun, 06 Oct 2013 10:41:24 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015