Usapan sa kanto “ Hoy Bata - TopicsExpress



          

Usapan sa kanto “ Hoy Bata merong muta ka pa” Eleksyon na naman mga p are’ ke aga aga kumakaway na si pareng toto sa mga tao. Talagang ang sisipag nila at matatamis ang mga dila. Tignan mo sila Ano ba talaga magagawa nila sa atin? E’ ang sabi ni kumare na tulungan daw sya dati ng isang kumakaway at yung iba naman ay na bigyan ng relief goods. E’ ang tanong ko’ ano ba talaga ang nagawa nila noong sila’y naka upo sa kanila trono’ ano ba ang nagawa nila para sa lahat ng kababayan natin? Tayo’y ba’y umanlad? tayo bang mga simpli’ng mamayan ay nag tamo ng benipisyo mula sa serbisyo nila? Mga pare hindi naman sa ako’y nag mamarunong o kaya naman ay nag bida bidahan. Eto’y napag uusapan lang natin at wala naman ako tinutukoy na tao O kaya politiko man lang. E’ eto na lang mga re paps’ sa atin na lang eto’ tayo’y naka tira sa walang titolo at tayo’y nag bayad lang ng rites para makapag tirik ng ating bahay sa kagustuhan lang natin na wag matulog sa kalsada O sa ilalim ng tulay. At sa araw araw na pag gising natin tayo’y na ngangamba at baka tayo’y pa alisin dito. Sa tingin nyo pare sino naki na bang sa mga binayad natin sa rites diba mga opisyales ng barangay at mga kagawad at mayor. Aba sa dami natin dito mantakin mo ilang milyones ang collection nila at pinag hahatian nila . ng opisyales ng gobyerno natin at tayo naman ay nag titiis dito habang sila ay naka higa sa kwaltang hinde nila pinag hirapan sa malinis na paraan. At kung tayo’y mag mamatyag ng mataintim aba’y tignan mo sila kung pano sila mangampanya aba’ ke hababa ng convoy nila e’ mga barangay captain at kagawad lang yan. Isipin nyo kung magkano bawat isa dyan lahat yan binayaran para sumama at mangampanya grabe talaga. Ano pa kaya sa eleksyon ng pagka presidente at senador at etc… pa. alam nyo mga pare kung ikaw ay isang tapat at sinsero na politiko hinde ka gagastos para buhatin mo ang sariling mong upuan upang ika’y makilala ng tao. Kase mga re paps kung ikaw ay may na ambag sa bayan sigurado hinde ka makakalimutan ng tao. At lalo na hinde mo kailangan lasonin ang pag iisip ng tao para lang iboto ka. Tama ba ko? Sa tingin nyo may punto ba ako? Sa pork barrel na mantakin nyo ilang tao lang ang nakikinabang sa mga pera natin. Alam nyo malungkot man sabihin e’ ang totoo talaga puro baboy ang pagka tao ng gobyerno natin. very truly yours juan pinoy
Posted on: Thu, 24 Oct 2013 13:33:05 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015