WEATHER UPDATE Yolanda, bahagyang humina; signal no. 4, - TopicsExpress



          

WEATHER UPDATE Yolanda, bahagyang humina; signal no. 4, nakataas sa 14 lugar Bahagyang humina ang Bagyong Yolanda matapos tumama sa lupa sa ika-apat na pagkakataon. Sa pinakahuling weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na inilabas alas-11:00 Biyernes ng umaga, humina sa 215 kilometro kada oras (kilometers per hour/kph) ang dalang hangin ng bagyo mula sa 235 kph kaninang madaling araw. Humina rin ang pagbugso nito sa 250 kph mula sa 275 kph. Pero bumilis pa ang bagyo sa 40 kph habang tumatahak pakanluran hilagang-kanluran. Sa ngayon, 14 na lugar ang nasa ilalim ng signal number 4 kabilang ang: -Southern Occidental Mindoro -Southern Oriental Mindoro -Romblon -Calamian Group of Island -Masbate -Northern Cebu -Cebu City -Bantayan Island -Northern Negros Occidental -Aklan -Capiz -Antique -Iloilo -Guimaras Malaking bahagi pa rin ng bansa ang nasa signal no. 3, 2 at 1. Signal no. 3 -Rest of Occidental Mindoro -Rest of Oriental Mindoro -Burias Island -Sorsogon -Marinduque -Ticao Island -Northern Palawan -Puerto Princesa City -Northern Samar -Eastern Samar -Samar -Leyte -Southern Leyte -Bohol -Rest of Cebu -Negros Oriental -Rest of Negros Occidental -Camotes Island -Biliran Province -Dinagat Province Signal no. 2 -Bataan -Metro Manila -Rizal -Cavite -Laguna -Batangas -Southern Quezon -Camarines Sur -Lubang Island -Rest of Palawan -Albay -Siquijor -Surigao del Norte -Siargao -Camiguin Signal no. 1 -Pampanga -Zambales -Bulacan -Camarines Norte -Rest of Quezon -Polilio Island -Catanduanes -Surigao del Sur -Misamis Oriental -Agusan del Norte Babayuhin pa rin ng heavy to intense rains ang mga lugar na sakop ng 400 km diameter ng bagyo. Binabalaan ang mga nakatira sa mabababa at bulubunduking lugar sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa. Posible ring magkaroon ng storm surge sa coastal areas kung saan nakataas ang signal no. 4, 3 at 2. Inaasahan namang magla-landfall pa si Yolanda sa Panay Island sa pagitan ng alas-12:00 ng tanghali at ala-1:00 Biyernes ng hapon. Tinatayang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR), Sabado ng hapon. With report from Jon Ibañez, Radyo Patrol 35/DZMM =admin jhe=
Posted on: Fri, 08 Nov 2013 05:05:44 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015