WP CONFESSION #1 POSER NI MISS AUTHOR May isang author sa - TopicsExpress



          

WP CONFESSION #1 POSER NI MISS AUTHOR May isang author sa wattpad na sobrang hinangaan ko. Siya yung tipo ng author na ang mga works ay inosente at fantasies pero napapaiyak ako. Umabot sa point na di ako makatulog pag di ko siya nakakausap sa wattpad chat (noong may meebo pa dati). Sobrang naging curious ako sa kanya, sa itsura, sa ugali niya at to the point na hinanap ko yung RA niya sa fb at twitter pero di ko nakita. Gusto ko talaga siyang makilala sa personal! Until one day, nakita ko sa fb niya na may nakaconnect na soundcloud na kaparehas ng username niya sa watty kaya clinick ko. Nabuhayan ako ng loob ng nakita kong may picture siya dun pero nakatungo at nagcocover din pala siya ng mga kanta (Favorite ko yung Moving Closer niya) tapos ang nakakatuwa pa dun, nakakabit dun yung tumblr account niya kaya gora ako agad! Doon tumambad ang mga personal pics at videos niya. Simula noon araw araw ko na ring chinecheck yung tumblr niya.Nitong nakaraan, may pacontest sa Philippine KPOP Convention, yung KPOP Star Look Alike. Naalala ko si Ms. Author, kamukha niya si Seolhyun ng AOA! Kaya nagsave ako ng picture niya at sinali sa contest. Nagkunwari akong ako yung nasa picture. Naging poser ako ni Ms. Author =( Okay naman noong una, andaming sumangayon ng kamukha niya si Seolhyun, andami ring likes and replies, pwedeng manalo! Pero biglang nagpanic ang lahat ng malamang poser lang yun dahil may isang kaibigan si Ms. Author na nakakita noong picture na pinost ko. Pagkatapos madisqualify ng picture, never ko ng navisit angkahit anong account ni Ms. Author. Nahihiya kasi ako sa kanya at alam kong nagpanic siya ng napost yung mukha niya sa isang contest na wala siyang kamalay malay. At hanggang ngayon di pa rin ako nakakapagsorry. ~by: forvsoriever
Posted on: Thu, 28 Nov 2013 01:27:25 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015