Yan ang malimit gawin ng mga taong mahilig mag-isip ng mga - TopicsExpress



          

Yan ang malimit gawin ng mga taong mahilig mag-isip ng mga bagay-bagay para mabigyan ng malinaw na eksplanasyon ang bawat pangyayari nang hindi na kailangan ng kumpirmasyon sa paniniwala na ang mga tamang hinala na ito ang tamang sagot. Kung ang imahinasyon mo ay mas grabe pa sa normal, pwede ka nang makabuo ng isang plot kung saan pati ang mga dialogue at eksena ay nabuo mo na rin sa pag-aakalang ito na nga ang buong istorya ng sitwasyon. Kung merong mga magaling magdrowing (tokshits), meron ding kumakarir sa mga pagtatamang hinala o para sa iba, ‘the quick brown fox jumping into conclusions.’ talaga. Sabi nga nila, bago mag-assume dapat magtanong muna pero para sa mga TH, wala na silang panahon para magtanong. Basta’t makakuha lang ng konting impormasyon, tama na ito para makabuo ng kwento na sila lang ang mismong pwedeng magsabi ayon sa kung ano ang gustu nila. Nangyari na ba ito sa inyo? Human nature na raw ang pag-aassume at kung madalas na nagkakatotoo ang mga hinala mo, malamang gawin mo na ngang habit ito sa lahat ng pagkakataon. Pwedeng pakiramdam mo sa sarili mo, descendant ka ni Nostradamus at malayong kamag-anak mo sina Madam Auring, Madam Rosa at Jojo Acuin, kaya ishe-share mo ang talent na ito para hawaan ang mga tropa mo para lahat kayo tamang hinala na rin. Ang pagiging TH pag sinamahan mo ng pagka-OA ay sadyang nakakasama sa kalusugan. Lalo na kung ikaw ang tipo na madaling maapektuhan sa maliliit na bagay na nangyayari sa paligid mo. Lalo pa nga kung meron ka pang trust issues. Pakiramdam mo tuloy, kabisado mo na ang galaw ng mga tao at indi mo na sila mabigyan ng pagkakataon na itama ang mga hinala na ito. At kahit na alam mong mali, patuloy ka pa rin sa ganitong gawain. Ang mga TH na ayaw makarinig ng negative na sagot, o di kaya eh natatakot magtanong at alamin mismo sa tao kung ano nga ba talaga ang gustung malaman at nakukuntento na sa sariling sagot at aasa na sana tama ang hinala nito. Pero mali ito. Indi mo pwedeng gawing dahilan ang mga hinala na ito para solusyunan ang isang isyu na pwede namang daanin sa mas madaling paraan — to communicate at bigyan ng pagkakataon na iwasto ang mga ito sa paraan na malilinawagan ang lahat. Di naman maiiwasan na makarinig ng negative answers at indi rin sa lahat ng pagkakataon, puros magagandang sagot ang makukuha natin. Napakabigat man ng salitang ‘acceptance’ na malimit kontrahin ng denial, ito lang ang paraan para malampasan ang isang sitwasyon nang indi na kailangan pang palalain. Indi naman kailangang maisakripisyo ang pagkakaibigan sa mga maling dahilan. Kung minsan nabibigyan ng kulay ang mga bagay nang ihndi natin namamalayan. Ang totoong intensyon ay indi kailanman kayang sirain ng maling interpretasyon. Sana gawin natin kung ano ang nararapat.
Posted on: Fri, 02 Aug 2013 01:26:27 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015