Yes, Definitely! Kailangan mag-upgrade po ang #Darna mapa costume - TopicsExpress



          

Yes, Definitely! Kailangan mag-upgrade po ang #Darna mapa costume like Avengers na nag-upgrade din at plot ng story pero dapat hindi po malalayo sa story ng Original Mars Ravelo. Suggestion for story matagal ko na pong gustong isuggest to for #DARNA movie sana mapansin, Maganda po sana kung Modern Day Darna ang gagawin yung nakikipag sabayan sa takbo ng panahon at yung maiinvolve ang buong mundo sa kaniya. at imagine na nagkaroon ng #Darna in real life sa panahong to na may Superpowers siyempre maraming magugulat at maraming scientist po ang magkaka interes yung tipong huhulihin si Darna kasama si Valentina ng Foreign scientist galing sa ibat ibang bansa para mapag-aralan na may ganoon palang klase ng mga human species. And sana po hindi lang si DARNA ang mag-upgrade pati din po si Valentina na main villainess sana di siya mawala. Sana mabigyan po ng justification yung character or role niya hindi po yung tipong kontrabida lang. Opinyon lang po sana Modern day Valentina din ang gawin yung tipong nakikipagsabayan na sa ganitong panahon for ex. gawin po nilang Sikat na International Model or Fashion Designer si Valentina like yung sa Darna nina Vilma and Cherry Gil. Tapos magkaka Conflict si Darna between kung bubuo ba siya ng pamilya bilang tao or mananatiling Single forever para sa misyon niya. Siyempre may Love interest pa rin po si Darna. Maganda din po kung yung Original concept ni Mars Ravelo na bata yung Narda then once na nalunok niya yung bato nagiging Warrior Woman siya. Sa Orig. Concept po kasi ni Mars Ravelo nalunok niya yung bato na parang pills na hindi na pwedeng iluwa. Sumisigaw nalang siya pag kailangan niyang magtransform. Yung batang Narda to Dalagang Darna po talaga yung Unique na katangian ng Darna na maiiba siya sa maraming superheroes hindi common. Hoping na Hollywood effects po like Action movies sa ibang bansa dahil hindi pa yata yun nagagawa dito sa Phil. Time na rin po na makagawa ng ganoon ang Pilipinas through Darna. Siyempre #AngelLocsinForDarna siya lang may kakayahang gumawa ng action na hindi malamya at masyadong girly. #AnneCurtisForValentina mabibigyan niya po ng justification ang role. #ViceGandaForBabaengTuod #ZaijanForDing #AndreaBrillantesForNarda #CocoMartin Leading man. Suggestion lang po :)
Posted on: Mon, 25 Nov 2013 00:36:41 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015