Yosi vendors, wawalisin sa paligid ng eskwelahan Ni Armida Rico, - TopicsExpress



          

Yosi vendors, wawalisin sa paligid ng eskwelahan Ni Armida Rico, abante Mga cigarette vendors ang pangunahing puntirya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paligid ng mga paaralan para mapalakas ang anti-smoking campaign sa hanay ng mga menor-de-edad na estudyante. Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, patuloy pa rin silang nakikipag-ugnayan sa bawat lungsod sa Metro Manila upang ma iwasan na ang paninigarilyo at pagbebenta malapit sa mga eskwelahan. Aniya, nirerepaso na rin nila ang mga umiiral na ordinansa sa mga lungsod para mapabuti pa ang pagpapatupad ng anti-smoking campaign. “Gusto naming maprotektahan ang kapakanan at kalusugan ng mga estud­yante laban sa masasamang epekto ng paninigarilyo,” ani Tolentino. Magugunitang noong Huwebes ng umaga, nag-umpisa ang apat na team ng MMDA na manghuli ng mga ambulant cigarette vendors sa mga parish school sa may Harrison at Cartimar sa lungsod ng Pasay.
Posted on: Sat, 08 Jun 2013 17:33:04 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015