Zapanta ipinaglalaban para maisalba -- Binay -Patuloy pa rin - TopicsExpress



          

Zapanta ipinaglalaban para maisalba -- Binay -Patuloy pa rin na pinagsisikapan ng Philippine Embassy sa Riyadh na maipagpaliban ang execution kay Joselito Zapanta sa kabila ng pagtatapos ng deadline para mabayaran ang blood money nito noong Linggo, Nobyembre 3, ayon kay Vice Pre­sident Jejomar C. Binay. Si Zapanta ang Pinoy na hinatulan ng kamatayan dahil sa pagpatay sa isang Sudanese national sa Saudi noong 2009. “Ambassador Ezzedin Tago has not given up and is in constant communication with the ambassador of Sudan,” ani Binay. “The ambassador of Sudan was requested to talk with the heirs of Zapanta’s victim to ask for an extension and reduction of the blood money,” dagdag niya. Ayon sa Vice President, kinokontak ng ambassador ng Sudan at ng kanyang mga staff ang pamilya ng biktima subalit hindi pa sinasagot ang kanilang mga tawag. Nangako rin, aniya, ang Sudanese ambassador na bibisitahin ang pamilya ng biktima sa kanilang bansa upang mapag-usapan ang posibleng pagpapalawig at pagbabawas sa hinihingi nilang blood money. Mula sa SAR 4 million o P45 million blood mone­y na hinihingi ng pamilya ng biktima, ang pamilya Zapanta at ang pamahalaan ng Pilipinas ay nakalikom lamang ng hanggang SAR 520,831. Sinabi rin ni Binay na noong Nobyembre 3, ang mga opisyales ng embahada sa Saudi ay bumisita kay Zapanta sa Malaz Central Jail kung saan ito nakabilanggo. “I was also informed that Zapanta has said that he is ready to face his fate. The embassy team had also observed that he seemed relaxed and had been talking to his fellow inmates,” sabi ni Binay. Nakatakda ring maki­pagpulong ngayon ang mga opisyales ng embahada sa Office of the Emir-Public Rights para mapag-usapan ang kaso ni Zapanta. *dj imat*
Posted on: Tue, 05 Nov 2013 03:17:09 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015