↳♠♣ charm ♠♣↲ ANG KASAL AY WALANG EXPIRATION PERIOD - TopicsExpress



          

↳♠♣ charm ♠♣↲ ANG KASAL AY WALANG EXPIRATION PERIOD AT WALANG BATAS SA PILIPINAS O SA FAMILY CODE NA NAWAWALA ANG BISA NG KASAL SA TAGAL NG PAGHIHIWALAY O TAGAL NG WALANG KOMUNIKASYON NG MAG-ASAWA AT NAPAPAWALANG BISA LANG ANG KASAL SA PAMAMAGITAN NG ANNULMENT OF MARRIAGE SA KORTE. ANG TAGAL NG PAGHIHIWALAY AY HINDI RIN GROUND SA ANNULMENT: Maraming mga friends sa Facebook ang nagtanong sa E-Lawyers Online na kung may bisa pa ba daw ang kasal nila dahil matagal na silang hindi nagsasama o walang komunikasyon sa isat-isa. Meron din ako mga nabasa na talakayan na "pag daw more than 7 years nang hiwalay ang mag-asawa ay null and void na ang kasal at pwede nang mag-asawang muli." Mali po ang mga kaisipang ito dahil walang provision sa Family Code o walang batas sa Pilipinas na nagsasabi na ang epekto o bisa ng kasal ay nawawala dahil lang sa tagal ng paghihiwalay ng mag-asawa o tagal ng kawalan ng komunikasyon ng dalawa. Kahit 100 years nang walang komunikasyon o hiwalay ang mag-asawa, as long as na buhay pa sila ay may bisa pa rin ang kasal nila at hindi sila pwedeng magpakasal muli sa ibang tao hanggat hindi napapa-annul ang kasal nila sa korte. Ganun din, ang tagal ng paghihiwalay ng mag-asawa o tagal ng kawalan ng komunikasyon ng dalawa ay hindi pwedeng gamitin na ground sa annulment of marriage dahil wala ito sa Family Code. Ang mga grounds sa annulment of marriage ay ang mga nasa Family Code lang tulad ng underage marriage, lack of marriage license, lack of authority of solemnizing officer, etc. at ang tagal ng paghihiwalay ay hindi kasama bilang ground. Ang Article 1 ng Family Code ay nagdefine ng "kasal" o "marriage" bilang isang special contract ng permanenteng pagsasama (PERMANENT UNION) sa pagitan ng lalaki at babae ng naayon sa batas para sa pagtatayo ng buhay may asawa at pamilya. Ito ang pundasyon ng pamilya at hindi mabubuwag na institusyong sosyal kung saan ang saysay, bunga at insidente nito ay pinapamahalaan ng batas at hindi maaring pagkasunduan ng mag-asawa kundi ang kanilang relasyon sa ari-arian na pwedeng pagkasunduan bago sila ikasal. Dahil ang "marriage" o "kasal" ay permanente, ang kontrata na ito ay walang expiration period at hindi nawawala ang bisa nito hanggat hindi napapa-annul ang kasal nila sa korte. repost:
Posted on: Fri, 16 Aug 2013 19:20:09 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015