enjoy reading your horoscop..... CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) — - TopicsExpress



          

enjoy reading your horoscop..... CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) — Makakahalubilo mo ngayon ang mga taong magpapagaan ng iyong kalooban at magpapalakas ng iyong tiwala sa sarili. Posibleng magkaroon ka ng bagong kaibigan na makakaimpluwensiya sa iyong desisyon at paniniwala sa darating na mga araw. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 34, 43 at yellow. LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) — Harapin at maghanap ng solusyon sa problema, sa halip na iwasan ito o magtago. Iilang tao ang tuluyang mawawalan ng tiwala sa iyo kung hindi mo tutuparin ang napagkasunduan o pinag-usapan. Ang kasalukuyang career ay maisasantabi pansamantala dahil sa isang mas magandang pagkakakitaan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 27, 28 at jade green. VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) — Mabilis mong matatapos ang ilang mga gawain. Isang malaking hamon ang lumalandas na dapat mong harapin sa ayaw o gusto, na siyang isang magandang pagkakataon para palutangin at gamitin ang angking talino. Huwag mag-panic sa anumang darating at tiyak magkakaroon ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 26, 38 at fuchsia. LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) — Isang bagay na iyong pinaghirapan ang mawawala nang isang iglap lamang kung magpapabaya at hindi magiging alerto. Maging maingat at seryoso sa iyong mga kilos at pananalita. Magiging malalim ang iyong pang-unawa sa mga bagay-bagay. Napapanahon na para maging seryoso sa pagpapalawak ng talino. Lucky numbers at color for the day ay 12, 15, 32, 35 at yellow. SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) — Kung sangkot ka sa bawal na relasyon, saan mang anggulo ito tingnan at ikatuwiran man na mas mahal mo siya, ito ay hindi tama at dapat putulin. Nangwawasak ka ng pamilya, hindi lamang sa iyo kundi malamang kalakip ang ibang tao. Hangga’t may panahon pa kumalas sa ganitong relasyon. Makakatagpo ka pa ng mas karapat-dapat sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 17, 38 at blue. PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) — Nang dahil sa taglay na problema madali kang malito. Madali kang mataranta sa mga simpleng utos. Kalmahin ang sarili at maging mahinahon. Sikapin na maasikaso kaagad ang anumang ipapagawa. May mga ideya kang hindi na uubra ngayon na kailangan nang baguhin o palitan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 28, 42 at maroon. CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) — Iwasan ngayon ang mga gawain na magdudulot ng tensiyon. Harapin ito sa ibang araw na maaliwalas ang isip at magaan ang pakiramdam. Magiging emosyonal ka ngayong araw at makakabuting huwag munang buksan ang anumang paksa na bumabagabag sa damdamin o anumang uri ng suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 7, 8, 29, 35 at brown. AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) — May posibilidad kang makapaglakbay sa tawag ng tungkulin o sa pang personal. May posibilidad na madaragdagan ang iyong kita. Tiyak na mapupunan mo rin ang iyong pagkukulang sa iyong mga magulang o mga mahal sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 28, 40 at green. PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) — Kahit gaano kalaki at patung-patong ang problema, hindi ka basta pinanghihinaan ng loob. Tama ang iyong patakaran na huwag dibdibin ang problema at idaan sa tawa dahil mas magaan ang paghagilap ng solusyon. Kung mahigpit ang paniniwala at pa­nanalig sa Poong Maykapal lahat ng suliranin ay may katapat na madaling solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 4, 28, 39 at red. ARIES (Marso 21 - Abril 19) — Mahalin mo ang iyong sarili higit sa lahat. Malamang mapapatunayan mo ang pagtataksil ng iyong minamahal. Kung magkatotoo, makakabuting makipaghiwalay ka sa kanya sa lalong madaling panahon. Huwag ka nang magpapakamartir dahil wala rin naman siyang balak magbago. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 28, 40 at gray. TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) — Kung kapwa seryoso kayo ng iyong kasintahan sa inyong relasyon, napapanahon nang harapin ang susunod na hakbang. Naaayon sa mga Taurus ngayon ang pagpaplano sa pagbuo ng pamilya o sa pagtupad ng mga binabalak. Mag-ingat sa pagmamaneho at tiyakin ang kaligtasan sa lugar na pupuntahan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 34, 38 at aquamarine. GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) — Dahil sa maagap at maliksing pag-iisip, masusugpo kaagad ang napipintong pag-aaway ng dalawang kasamahan o kasambahay. Dahil sa iyong nagawa kahit sila ay tahimik ay may paghanga sa iyo. Maluwag ang mga oras para magkaroon ng pagkakataon sa pagligpit ng mga kalat sa kapaligiran. Lucky numbers at color for the day ay 16, 18, 24, 34 at purple. pasaway
Posted on: Fri, 05 Jul 2013 05:18:40 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015