[excerpt] by Glen P. Sibonga Naniniwala si Ai-Ai delas Alas na - TopicsExpress



          

[excerpt] by Glen P. Sibonga Naniniwala si Ai-Ai delas Alas na may kapalit na magandang bagay at blessing ang anumang sigalot at problemang dumarating sa kanyang buhay. Gaano man kabigat ang pagsubok ay hindi sumusuko si Ai-Ai at hindi kailanman nawala ang pananalig niya sa Diyos. “Alam ko naman na si Lord never naman Niya akong pinabayaan. “Kahit marami akong problema na pinagdaanan… ganun talaga kasi, gusto Niya lang ipakita sa akin na tao lang ako, nasasaktan,” panimulang bungad ni Ai-Ai. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Ai-Ai pagkatapos ng presscon ng pelikulang pinagbibidahan nila ni Marian Rivera, ang Kung Fu Divas, kagabi, Setyembre 20, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound. Produced by Star Cinema, Reality Entertainment at O & Co. Picture Factory, ang Kung Fu Divas ay ipalalabas sa mga sinehan nationwide simula Oktubre 2. Pagkatapos nga ng sinuong niyang marital problems sa pagitan nila ng asawang si Jed Salang, itinuturing ni Ai-Ai na blessing ang pagdating ng Kung Fu Divas. Bukod nga sa nakagawa siya ng kakaibang pelikula na idinirehe ni Onat Diaz, nakatagpo siya ng bagong kaibigan sa katauhan ni Marian Rivera. Kasabay ng pagdating ng problema nila ni Jed ay ginagawa ni Ai-Ai ang Kung Fu Divas. Paano nakatulong si Marian sa kanya noong mga panahong iyon? “Nakita niya ako. Pag yung may time na nakikita niya ako na medyo naluluha-luha ako, binibili niya ako ng potato chips. Yun lang ang katapat ko, potato chips,” natatawang sabi ni Ai Ai. pep.ph/news/40446/ai-ai-delas-alas-apologizes-to-pnoy-clarifies-insinuations-that-malacaang-is-meddling-in-her-legal-spat-with-ex-husband-jed-salang/1/1
Posted on: Sat, 21 Sep 2013 14:29:58 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015