[excerpt] by Gorgy Rula Present ang top executives ng GMA - TopicsExpress



          

[excerpt] by Gorgy Rula Present ang top executives ng GMA Network sa muling pagpirma ng kontrata sa kanila ni Marian Rivera kaninang umaga, August 10, sa Manila Golf and Country Club sa Forbes Park, Makati City. Naroon sina CEO and Chairman Atty. Felipe Gozon, President and COO Gilberto Duavit, EVP and CFO Felipe Yalong, OIC on Entertainment TV Lilybeth Rasonable, VP-Entertainment TV Marivin Arayata, Gigi Santiago, Redgie Magno at GMA Films President Atty. Annette Gozon-Abrogar. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atty. Annette at isa siya sa natutuwa sa ipinakitang loyalty ni Marian sa GMA-7. Pahayag niya, “Ang pagtrato naman talaga namin sa mga Kapuso stars, kaibigan. It’s not parang professional lang, it goes beyond that. “So, siyempre pag may mga ganyan gustung-gusto naming mag-stay sila dahil may pinagsamahan talaga. “So, we’re very happy na ang isang artista na katulad ni Marian talagang nag-stay, kasi alam ko namang na-appreciate niya yung pagtrato namin sa kanya. Nilinaw nitong lahat naman daw na mga artista ng Kapuso network ay tinatrato nila nang tapat “Lahat naman ng mga stars na nakakatrabaho namin ay ang trato namin sa kanila ay hindi lang as GMA and the star, kundi totoo talaga ang trato ko sa kanila... “Na I respect them, I really want to help them, at sincere talaga ako sa pakikitungo sa kanila,” saad niya.
Posted on: Sat, 10 Aug 2013 15:34:19 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015