♥heart♥ BALITANG ABROAD Pekeng travel agency ibinabala ng - TopicsExpress



          

♥heart♥ BALITANG ABROAD Pekeng travel agency ibinabala ng DFA (Noel Abuel) Mahigpit na nagbabala kahapon ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa lahat ng overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang United Arab Emirates (UAE) sa nagkalat na bogus na indibiduwal o ahensya na nagsasabing binigyan ng awtorisasyon ng embahada sa nasabing bansa. Sa inilabas na advisory ng DFA, ipinabatid na ang embahada ng Pilipinas sa UAE ay walang kaugnayan sa anumang travel agency para magsaayos ng visa papasok sa nasabing bansa. “The Embassy is likewise not connected with any person, company or any entity that offers or claims to offer facilitation services for the execution of the Affidavit of Support and Guarantee (ASG),” ayon pa sa DFA. Nabatid na kailangan ang personal appearance ng sinumang aplikante sa embahada o sa Philippine consulate general sa Dubai bago magpalabas o makakuha ng ASG. Paliwanag ng DFA, anumang dokumento na galing sa anumang travel agency o pribadong indibiduwal ay awtomatikong maituturing na peke at may kaukulang parusa sa batas ng Pilipinas at ng UAE. “We urge out countrymen to report such activities to the Embassy or Consulate General. The Philippine Embassy in Abu Dhabi has expedited the release of ASG from five (5) to three (3) working days to better serve the Filipino community,” ayon pa sa DFA.
Posted on: Thu, 03 Oct 2013 17:08:31 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015