(mhae) *Damag Pilipinas.... Pasensyan dudungngo nu TAGALOG!!! - TopicsExpress



          

(mhae) *Damag Pilipinas.... Pasensyan dudungngo nu TAGALOG!!! PAPER TRAIL KAY NAPOLES AT SOLONS IMPORTANTE Ni Bernard Taguinod Pinayuhanng mga mambabatas sa Kamara ang Department of Justice (DOJ) na tiyaking may mga dokumento ukol sa perang nakuha ng mga kongresista at senador bilang komisyon sa kanilang pork barrel mula kay Janet Lim-Napoles dahil kung hindi ay malabong maparusahan ang mga pulitiko. Ginawa nina House minority leader Ronaldo Zamora at dating justice secretary at ngayo’y Congressman Silvestre Bello III ang nasabing payo sa DOJ matapos marinig ang testimonya ng whistleblower na si Benhur Luy na hindi direktang tinanggap ng mga senador ang pera. Sinabi ni Zamora na kailangang nakahanda na ang paper trail bago isampa ang kaso sa Lunes para masigurong madidiin ang mga inaakusahang pulitiko, government officials at maging si Napoles. “Don’t just accept as evidence what people say. Accept as evidence what you or somebody else or many other persons will testify too, like branch managers or delivery boys,” ani Zamora. Tiyak aniya na idineposito ng mga inaakusahang pulitiko ang pera sa mga bangko dahil bihira ang mga taong nagtatago ng milyun-milyong pera sa kanilang bahay. Para naman kay Bello, kinatawan ng 1-BAP party-list group sa Kamara, sinabi nito na kung ma­galing umano ang abogado ng mga inaakusahang indibidwal ay malulusutan ang kaso lalo na’t hindi direktang tinanggap ng mga ito ang umano’y komisyon sa kanilang proyekto. “So far, narinig ninyo ang statement ng whistleblowers. Walang statement na sinasabi na ang pera ay ibinigay kay ganito, o chief of staff ni ganito ‘yun lahat ng statement. I am not offering myself as lawyer for the defense,” ani Bello. Madaling mabutasan umano ito ng mga akusado dahil maaari nilang itanggi na tumanggap sila ng pera lalo na’t kung hindi ang mga whistleblower mismo ang nagbigay ng direkta sa kanila. “Kung ‘yun (statement ng whistleblower) lang ang evidence, acquitted ang mga (akusado), dahil walang solido na ebidensiyang napunta sa kanila na pera,” ani Bello kaya dapat mayroong paper trail na ang DOJ. Samantala, sinampa­han ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at Republic Act 7080 (An Act Defining and Penalizing the Crime of Plunder) ang 23 kongresista, limang senador at ang itinuturong pork barrel queen at mastermind na si Napoles sa tanggapan ng Ombudsman kahapon ng hapon. Kabilang sa mga kinasuhan ni Atty. Joe Malvar Villegas, chairman ng Citizen’s Crime Watch (CCW) sina Sens. Juan Ponce Enrile, Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., Jinggoy Estrada, Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Gregorio Honasan. abante-tonite/issue/sep1413/news_story01.htm
Posted on: Sat, 14 Sep 2013 03:47:19 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015