please do not disclose my name. i am single mother. i have a 15 - TopicsExpress



          

please do not disclose my name. i am single mother. i have a 15 year old daughter to a married man. it happened 17 years ago nagkaroon ako ng secret affair sa isang ka-officemate. it was a very serious relationship, i guess. and as expected nabuntis nya ko. when i got pregnant nagkaroon ng realization na hindi kami talaga pwede magsama. but i never thought na papabayaan nya ko at hindi nya haharapin ang responsibility nya sa bata. to make the story short, he left me ng walang paalam. hinarap ko mag-isa ang responsibility at pinalaki ko ng mag-isa ang anak ko. hindi ko na sya hinabol, that time i want some peace of mind. ayoko ng gulo. until last year, i decided na hanapin sya to ask for financial support and to finally ipakilala sya sa anak ko. teenager na ang bata and i felt na karapatan nya na makilala ang daddy nya. hindi man sya nagsasabi sakin i know na may eagerness sa kanya na alamin kung sino ang father nya. ayoko na dumating ang time na sumama ang loob nya sakin dahil pinagkait ko ang karapatan na yun. ayoko maging selfish. after 15 years of no communications, i met him again. and that was the first time na nagkita sila mag-ama. i never thought na sa pagkikita namin ulit wala na ang asawa nya. he told us na namatay na 3 years ago dahil sa breast cancer. he tried to pursue me again but this time ang concern ko ay yung sa anak namin. i want him to be responsible naman this time and ayusin nya kung ano yun dapat para sa anak ko. i want him to acknowledge paternity, bagay na hindi nya ginawa before and financial support also na matagal ng due sa bata. dj chloe do you think i should give him another chance? i am afraid na makipagrelasyon ulit. i am more concern now sa anak namin. gusto ko mag-catch up sya for that 15 long years na hindi nya naibigay sa bata. but he told me gusto nya maging buo kami as one family. how can i trust him na hindi na nya ko iiwanan ulit at hindi nya ko lolokohin? sorry kung super haba nito. hope you could find time to help me. i am confused. thanks to receive your advice. L. P
Posted on: Tue, 04 Feb 2014 03:40:20 +0000

Recently Viewed Topics




© 2015