- - - EVNiNG !! ;) Sa magbabarkada hindi mawawala yung - TopicsExpress



          

- - - EVNiNG !! ;) Sa magbabarkada hindi mawawala yung ; LEADER - Sya ang nangunguna sa lahat. Wala mang pormal na usapan na sya ang leader, ramdam mong malakas ang dating nya barkada. WEAKLING - Yung tampulan ng tukso at pang-aasar. Lagi na lang napagkakaisahan. Sya ang may pinakamahabang pasensya at pinakamalawak na pang-unawa. TRASH TALKER. Laging may pang-asar na baon. Walang pinipili kung sino ang pangtitripan. Madalas dahilan ng tawanan pero madalas ding kinakaasaran kapag wala na sa lugar. RICH KID - Sya ang laging may pondo. Pasimuno sa lahat ng gala at lakad. Konting kibot mag-aayang bumili ng meryenda. Rich kid nga e. 150 baon. BROKEN HEARTED - Lagi na lang umiiyak sa barkada. Kakabreak lang, wala pang 1 week nagsusumbong na naman. Suicidal to kaya dapat laging kinakausap. Laging lutang. Kapag naman in love, lutang CRUSH NG BAYAN - Hindi mawawala ang Hari/Reyna ng barkada. Laging escort o muse ng klase at maraming nagkakagusto. Kapag naglalakad ang barkada 80% ng tao sa kanya nakatingin. INLOVE - Forever may love life. Natagpuan nya na ang kanyang mapapangasawa kumbaga. Sya ang taga pagbigay ng payo sa mga pusong luhaan sa barkada. Expert ang peg. Laging masaya at inspired sa buhay. Madalas ding absent at nakikipag-date. BF/GF ni #7 - Hindi naman talaga sya original na kabarkada pero dahil sa GF/BF nya sa grupo, na recruit sya. Laging kasama ng barkada para lang masamahan ang iniibig. JOKER - Lakas mag joke. Walang boring moments kapag siya ang iyong kasama. Lahat ng makita gagawing katatawanan. Madalas ding bumabanat ng mga korning JOKE na halos hindi pinag isipan. SABAW - Ang kalaban ni #9. Siya yung ma-lag ang utak. Tumatawa na ang lahat, sya nagpa-process pa lang. Mahina ang signal, mala-Sun. Kahit sa klase sya yung slow. Hindi nya magets lahat ng trip ng nasa paligid nya. Ang barkada parang Tumblr, halo-halong ugali at nagkakaisa sa mithiin, ang manatili ang pagkakaibigan at Mag-BLOg ## TBL kAMiiE .i|.
Posted on: Mon, 08 Jul 2013 12:11:11 +0000

Trending Topics




© 2015