1 sugatan, ilang kabahayan at gusali nasira sa pagtama ng ipo-ipo - TopicsExpress



          

1 sugatan, ilang kabahayan at gusali nasira sa pagtama ng ipo-ipo sa Bukidnon Written by Bombo CDO Published in Latest News Wednesday, 31 July 2013 CAGAYAN DE ORO CITY - Tinatayang umaabot sa P800,000 ang inisyal na danyos matapos masira ang 16 na kabahayan dahil sa pagtama ng ipo-ipo sa siyudad ng Valencia sa Bukidnon. Sa panayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro, inihayag ni Bukidnon provincial director S/Supt. Glenn de la Torre na batay sa progress report na ipinaabot ng kanyang mga tauhan mula sa lugar, kabilang sa mga napinsala ang anim na commercial building, paaralan, at city hall administration extension office. Maging ang mga matatandang punong-kahoy ay nabuwal din dahil sa lakas ng ipo-ipo sa lugar. Isang katao naman ang naitalang sugatan nang tumama ang buhawi sa lalawigan. Kaugnay nito, inihayag ni Hipolito Ucang ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na mamimigay sila ng cash assistance sa mga apektadong residente sa oras na matapos ang isinagawang ocular inspection sa lugar. Hindi na naglunsad ng forced evacuation ang gobyernong lokal sa lugar dahil agad nakaresponde ang mga bumubuo sa City Disaster Risk Reduction and Management Council. - See more at: bomboradyo/news/latest-news/item/15019-1-sugatan-16-bahay-sinira-ng-ipo-ipo-sa-bukidnon#sthash.uMbxQeVl.dpuf
Posted on: Wed, 31 Jul 2013 10:00:01 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015