20 percent na lamang ang mga binabaha sa Maynila - NDRRMC Written - TopicsExpress



          

20 percent na lamang ang mga binabaha sa Maynila - NDRRMC Written by Leizl Galan Published in Latest News Tuesday, 20 August 2013 20:22 Labis na sinalanta ng mga pagbaha at epekto dahil sa habagat at epekto ng bagyong Maring ang Region 3 at Region 4-A, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. Sinabi ni NDRRMC spokesman Reynaldo Balido, umakyat na ngayon sa 125,348 pamilya o 602,342 katao ang mga naapektuhan na pawang galing sa mga pangunahing lugar sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na rehiyon. Samantala nakagpatala na rin ang NDRRMC ng nasa walong katao na nasawi mula sa Tanza, Cavite na una nang napaulat na nawawala habang nasa 12 naman ang sugatan. Samantala nasa apat pa rin ang patuloy na pinaghahanap. Depensa pa rin ng NDRRMC, bumaba na sa 20 porsiyento ang mga lugar na binabaha. Sa mga oras na ito ay marami pa ring mga lansangan ang hindi pa madaanan partikular na sa Region 1, 3, 4-A at 4-B. - See more at: bomboradyo/news/latest-news/item/18376-20-percent-na-lamang-ang-mga-binabaha-sa-maynila-ndrrmc#sthash.fGwwLMaj.dpuf
Posted on: Tue, 20 Aug 2013 15:20:00 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015