3 Month Rule. Sabi nila kapag daw tapos na ang 3 Month sa - TopicsExpress



          

3 Month Rule. Sabi nila kapag daw tapos na ang 3 Month sa dalawang taong naghiwalay, eh pwede na ulit magmahal ng bago. Teka. Para saan nga ba ang 3 Month Rule? ◦Para magkabalikan ulit? ◦Para maayos pa ang lahat? ◦Para makapagusap about sa inyo ◦Para tingnan kung mahal niyo pa din ang isa’t isa ◦Time to relief Actually yung 3 Month rule eh yung norm na sinusunod ng society after the break up. ◦Yung hindi muna papasok sa panibagong relasyon hanggat di natatapos yung 3 month. ◦Eto yung time kung saan hahanapin ng dalawang taong naghiwalay ang kanilang sarili na nawala nung nasa relasyon pa sila. ◦Ginagamit tong time na to para bumalik yung dati, yung maging mabuting tao muli na nagbago nung sila pang dalawa. ◦Eto yung time para patawarin yung sarili sa minsang pagpapakatanga sa taong mahal na mahal mo na nabalewala lang kasi iniwan ka din naman niya. ◦Ibalik yung respetong nawala sa sarili. ◦Time para maging BETTER instead of BITTER ◦Yung time na ipakita mo na nakabangon ka na mula sa nangyari. Pero para sa akin, di ganun kadali yung 3 Month Rule. Para xang part ng exam na di mo napag-aralan tas kasama pala, wala ka tuloy masagot. Tingnan mo tuloy ako, Di ako prepared sa nangyari, parang kahapon lang lahat naganap at ang sakit pa din. My 3 month is almost done, but still, Im stuck in the middle of nowhere. Di xa ganun kadali. Mahal ko pa din xa eh. Siya pa din eh. Di ko pa din kayang magmahal ng bago kasi siya pa din ang mahal ko. Siya lang talaga eh. Sana ganun na lang kadaling kalimutan ang lahat, kaso hindi eh. It really takes time to heal. ==Bloody Mary==
Posted on: Sun, 30 Jun 2013 06:25:08 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015