3 hepe ng pulis sinibak sa pagmamanipula ng police blotter by - TopicsExpress



          

3 hepe ng pulis sinibak sa pagmamanipula ng police blotter by Johnny Arasga Jul 18, 2013 7:42am HKT MAKARAANG mapatunayang minamanipula ang police blotter sa kanilang mga nasasakupan, tatlong chief of police ang sinibak sa kanilang puwesto. Ito ang kinumpirma ni PNP chief police Director General Alan Purisima matapos nitong iprisinta ang mga naging accomplishments ng PNP para sa nakalipas na anim na buwan. Ayon kay Purisima ang tatlong chief of police ay pawang mula sa Region 5, bagama’t tumangging pangalanan ang tatlong nasibak na opisyal. Giit ng heneral, ang pagkakasibak sa puwesto ng tatlong chief of police ay bahagi ng kampanya ng PNP na serbisyong makatotohanan, na nais nito na maitama lamang ang tama, ang totoong sitwasyon sa bawat komunidad at walang itinatago. ~crystal~
Posted on: Thu, 18 Jul 2013 03:58:31 +0000

Trending Topics



Recently Viewed Topics




© 2015